^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga ‘anay’ sa PNP

Pang-masa
EDITORYAL - Mga ‘anay’ sa PNP

PATULOY sa pagsira ang mga “anay” sa Philippine National Police (PNP). Sila yung mga pulis na guma­gawa ng kasamaan na lalong nagwawasak sa PNP. At sa ginagawang ito, mahirap nang makabawi ang PNP sa nawasak na imahe. Maliban na lamang kung may darating na PNP chief na buo ang loob para kastiguhin ang mga miyembro. Kung walang ganitong pinuno o hepe, habang panahon na lamang na nakabaon sa kumunoy ng kahihiyan at mga kontrobersiya ang PNP.

Sunud-sunod ang mga ginagawang kasamaan ng mga pulis at hindi sila nagkakaroon ng leksiyon. Hindi tumatalab sa kanilang utak na masama at hindi nararapat ang kanilang ginagawa.

Noong Lunes ng gabi, isang pulis sa Quezon City ang inaresto ng kanyang mga kapwa pulis dahil sa gina­wang pangha-harass, pang-aabuso at puwersahang pagpasok sa bahay ng tatlong residente sa Bgy. Damayang Lagi, Quezon City. Kinilala ang abusadong pulis na si S/Sgt Colonel Jordan V. Marzan.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony ­Aberin, inireklamo si Marzan ng panggugulo, pangha-harass at pagpasok ng walang pahintulot sa bahay ng mga biktima­ sa Caragay St. Bgy. Damayang Lagi. Lasing si Marzan­ at hinahanap ang isang nagngangalang “Dimple­”. Nang sumagot ang mga may-ari ng bahay na wala si “Dimple”, nagalit si Marzan at sinabing pagpapatayin ang mga nasa bahay.

Pinadapa at sinubsob ni Marzan ang mukha ng isa sa sahig samantalang sinaktan at sinabihan ng “putang ina” ang kumukuha ng video. Kinuha rin niya ang cell phone na ginagamit pang-video. Sinaktan din ng pulis ang isang batang babae.

Kinasuhan si Marzan nang paglabag sa Republic Act 7610, two counts ng paglabag sa comicile, slight physical injury at grave threat. Agad namang sinibak si QCPD chief si Brig. Gen. Melecio Buslig, Jr. dahil sa command responsibility.

Noong nakaraang buwan, naging kontrobersiya rin ang pulis QC at vlogger na si Patrolman Francis Steve Fontillas, dahil sa mga pinagsasabi nito sa pamahalaan, sa PNP at sa mga matataas na opisyal ng PNP mismo. Nagsimula ang matatapang na post ni Fontillas sa social media noong Marso 11 na inaresto si dating President Rodrigo Duterte at dinala sa The Hague, Netherlands. Binatikos ni Fontillas sina President Ferdinand Marcos Jr., Criminal Investigation and Detection Group chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, at PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo dahil sa aniya’y kawalang hustisya sa pag-aresto kay Duterte. Nagsori si Fontillas at umiyak. Nagbitiw na siya sa QCPD.

Nasa panganib ang mamamayan kapag ganito ang ugali ng mga pulis. Nararapat na isailalim sila sa neuropsychiatric examination. Kakatakot ang mga parak na may “tama” na maaaring mamaril nang walang puknat sa mga sibilyan. Maging maingat ang PNP sa pag-recruit ng mga pulis at baka “anay” ang mapili.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with