^

Punto Mo

Flocerfida (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAARI mo ba akong samahan, Nene. May ibibigay lang akong sulat kay Tatay Victor,’’ sabi ni Kikoy sa dalagita na noon ay naliligo sa irrigation canal.

“Opo. Halika po.”

“Naroon ba siya?”

“Opo. Tapos na po siyang magtrabaho sa palayan.”

“Salamat Nene.”

“Tayo na po.”

Naunang lumakad ang dalagita.

Pilapil ang kanilang dinaanan na dahil siguro sa tagal at sa dami nang dumadaan ay matigas at halos wala nang damo. Ang magkabilang bahagi ng pilapil ay namumunga nang mga palay at nagsisimula nang mahinog.

Nakatirik na ang araw at masakit sa balat kaya nagmadali kami sa paglalakad.

Paglampas namin sa palayan ay pawang kawayanan naman ang dinaanan namin.

Sunud-sunod ang mga punong kawayan na ang mga nalagas na dahon ay nakalatag sa lupa. Madulas sa tapak ng suot kong sapatos ang dahon ng kawayan.

Paglampas sa huling kawayan, natanaw ko ang bahay ni Tatay Victor. Tabla ang dingding at kugon ang bubong.

“Yun po ang bahay namin.”

“Mabuti at ikaw ang napagtanungan ko Nene—kung hindi ay baka naligaw na ako.”

“Oo nga po baka maligaw ka rito.”

Nang nasa harapan na sila ng bahay ay tumawag ang dalagita.

“Lolo! Lolo!”

“Ano yun?”

“May naghahanap sa iyo!”

“Sino?”

“Narito siya!”

May kumilos sa loob ng bahay. Lumangitngit ang sahig na kawayan. Lumabas ang isang matanda—mga 60-anyos marahil.

“Magandang tanghali po, Tata Victor,” sabi ni Kikoy at sabay dukot sa makapa na sulat na nasa kanyang shoulder bag.

“Ako po si Kikoy, kasamahan dati ni Dong sa Jubail. May ibibigay po ako sa iyong sulat pero malaki po ang kasalanan ko dahil ngayon ko lang nadala rito. Marami kasi akong naging problema kaya ngayon ko lang nadala. Sigurado ako, galit sa akin si Dong dahil hindi ko ito nadala sa iyo Tata Victor.”

“Patay na si Dong!”

Nagulat si Kikoy.  (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with