‘Araro’ (Part 3)
LAHAT kaming apat na magkakapatid na lalaki ay naging propesyunal at nagkaroon nang magandang trabaho.
Nagkaroon nang sari-sariling pamilya. Ako ay nagkaroon ng tatlong anak na pawang matatalino.
Ang sumunod sa akin na si Romeo ay dalawa ang anak; si Carlos ay tatlo at si Jun ay dalawa.
Pawang nasa executive village kami nakatira. Walang nangarap sa amin na tumira sa bukid na nilakihan naming noon.
Sina Itay at Inay ay kapwa yumao na. Halos magkasunod silang namatay. Ang aming bahay at lupa at nananatili pa rin sa gitna ng bukid.
Namatay sina Itay at Inay na maligaya dahil natupad ang kanilang pangarap na makapagtapos kaming apat sa pag-aaral at wala ni isa man sa amin ang humawak sa araro. Wala ni isa sa amin ang naging magbubukid.
Natitiyak kong maligaya sila—lalo na si Itay na mataas ang pangarap para sa amin.
Pero isang kalaliman ng gabi, bigla akong nanaginip. Nagising ako dahil sa panaginip na iyon—ninanakaw daw ang aming lumang araro sa silong ng aming bahay sa probinsiya!
(Itutuloy)
- Latest