^

Punto Mo

EDITORYAL — Pahalagahan, mundong ginagalawan

Pang-masa
EDITORYAL — Pahalagahan, mundong ginagalawan

TAUN-TAON, ginugunita sa maraming panig ng mundo ang Earth Day. Unang pinagdiwang ang Earth Day noong Abril 22, 1970. Layunin sa ­pagdiriwang na mapangalagaan ang mundo sa pagkasira. Ipinaalala ang nililikhang perwisyo ng air at water ­pollution sa mundo. Nabubutas ang ozone layer dahil sa labis na pagkalason mula sa usok ng mga sasakyan, pabrika at pagsusunog ng mga basura. Pinaalala ang ­iresponsableng pagmimina at ang walang puknat na pagsira sa mga ­bundok. Kinakalbo ang mga gubat at binibigyang babala ang nagpaparumi sa mga ilog at dagat.

Pagkalipas ng 55 taon mula nang unang isagawa ang Earth Day celebration, marami nang nangyari sa mundo. Ang layuning ingatan ang mundo ay hindi naipatupad sapagkat maraming tampalasan. Mas mahalaga ang kikitain kaysa pag-aalaga ng likas na yaman. Ngayon, nanganganib ang mundo na maging kasing-init ng impiyerno dahil sa pagkabutas ng ozone layer.

Ang kakaibang init na nararanasan ngayon—kasama ang Pilipinas—ay sinisisi sa air pollution na bumubutas sa ozone layer. Ayon sa PAGASA, mas titindi pa ang mararanasang init sa Mayo. Kahapon at sa mga nakalipas na araw, naitala ang pinakamataas na heat index (47 degrees Celsius) sa San Ildefonso, Bulacan.

Ayon pa sa PAGASA ang nararanasang tindi­ ng init ay iniuugnay sa climate change. Pero mas maraming eksperto ang nagsasabi na ang pagkaubos ng mga punongkahoy sa kagubatan ay malaki ang kaugnayan sa nararanasang heat wave. Kalbo na ang mga kagubatan at kung magpapatuloy ang pagsira sa mga kabundukan, maaaring tumindi pa ang init na mararanasan sa hinaharap. Ayon sa report, may kabuuang 15 milyong ektarya ng kagubatan sa bansa subalit pitong milyong ektarya na lamang ang may mga punongkahoy. Kalbo na ang kagubatan!

Ang problemang ito ay hindi naman nalilingid kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga. ­Nalalaman niya na malaking bahagi ng kagubatan ang wala nang nakatanim na kahoy kaya target ng kanyang tanggapan na madagdagan ang forested lands—mula sa pitong ektarya ay gagawing 10 ektarya pagsapit ng 2028. Ginagawa na umano ng DENR ang lahat para mataniman ng kahoy ang mga classified forest lands sa ilalim ng National Greening Program.

Ang pag-aksiyon ng DENR para mapangalagaan ang kapaligiran ang inaasahan. Umaasang magkakaroon ng katuparan ang pagtatanim ng mga puno hindi lamang  para pananggalang sa nadaramang init kundi upang maprotektahan ang mga bundok at maiwasan ang pagguho.

Ang problema sa air at water pollution ganundin ang plastic pollution ay nararapat din namang pagtuunan ng pansin. Labanan ang mga lapastangan sa kapaligiran. Isalba ang mundo sa pagkasira. ­Pahalagahan ang mundong tirahan!

EARTH DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with