Ukrainian skater na umikot ng 34 beses sa stilt skates sa loob ng 30 seconds, nakatanggap ng Guinness World Record!
Pasok sa Guinness World Records si Alisa Pilishenko ng Ukraine matapos siyang makapagtala ng titulong “most 360 spins on stilt skates in 30 seconds”, isang record na nangangailangan ng galing sa balanse, bilis, at lakas.
Suot ang kanyang figure skating costume, umikot si Alisa ng 34 na beses habang nakatayo sa stilt skates na may taas na higit 45 cm (17.71 inches).
Isang paa lang ang ginamit niya sa mismong attempt, kaya’t mas lalong kahanga-hanga ang kanyang tagumpay.
Ang mga stilt skates ay unang ginamit sa mga palabas sa Minnesota at bahagi pa ng mga tampok sa National Museum of Roller Skating sa Nebraska.
Lumaki si Alisa sa Ukraine, ngunit dahil sa digmaan, napilitan siyang mag-ensayo gamit ang roller skates.
Bago ang kanyang record-breaking performance noong January 27, kaunti lang ang oras niya sa mag-ensayo sa ice skating rink at kailangan pa niyang bumiyahe ng 500 km para makapag-ensayo.
Dahil sa dedikasyon at determinasyon, naiangat ni Alisa hindi lang ang kanyang sarili—kundi ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Guinness World Records.
- Latest