General Buslig, napuruhan!
ANG pagpapalamig ng isang babaing preso sa 5-star hotel sa Quezon City ang naging mitsa sa liderato ni QCPD director Brig. Gen. Melecio “Bong” Buslig Jr. Matapos dumating sa kanyang kaalaman ang staycation ng preso na si Sissie Bongat, dinisarmahan at ni-relieve kaagad ni Buslig ang tatlong pulis, dalawa rito ay opisyal.
Kaya lang, inabot si Buslig ng kidlat ni NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin. Sinibak ni Aberin si Buslig effective April 21 sa aspetong command responsibility. Araguyyy! Tsk tsk tsk!
Effective talaga ang programa ni Aberin na Able, Active, at Allied kontra kriminalidad dahil bumababa naman ang crime rate sa Metro Manila. Kaya lang sa liderato ni Aberin, ang mga pulis na ang gumagawa ng krimen. Remember the case of the EPD “dorobo” cops, mga kosa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ng mga kosa ko na si Bongat ay naka-detain sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD sa kasong four counts of qualified theft. Walang inirekomendang piyansa para sa temporary liberty ni Bongat. Beeehhh buti nga! Mukhang hindi sanay sa mainit na panahon si Bongat, kaya pinaandar niya ang pitsa….esta utak n’ya at nakumbinsi ang taga-CIDU na magpalamig muna.
Kaya noong Huwebes Santo, nag-staycation si Bongat sa 5-Star resort Quezon City na may kasama namang pulis na bodyguard. Kaya lang sa panahon ng gadget sa ngayon, hindi naman naitago ang pagpuslit ni Bongat sa kanyang selda. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Naibalik naman si Bongat sa kanyang selda. Kaya lang, matapos makarating sa kanya ang report ng staycation ni Bongat, kaagad na dinisarmahan at ni-relieve ni Buslig si Maj. Dondon Llapitan, hepe ng CIDU. Hindi lang ‘yan, natangay din ng mainit na hangin si Lt. Dexter Bernadas, hepe ng warrant section ng CIDU at si PSMS Danilo Pacurib, chief custodial unit ng CIDU. Dipugaaaaa! Kuwarta na naging bato pa!
Kaya sa kasalukuyan, nagpapalamig na rin sina Llapitan, Bernadas at Pacurib, at ang delikado n’yan, baka makasuhan pa sila. Anong sey mo PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir? Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito.
Subalit kung si Aberin ang tatanungin, ang pagka-relieve kay Buslig ay nag-ugat sa viral video ng isang lasing na pulis na pumasok sa isang bahay sa No. 1 Caragay St., Bgy. Damayan, Quezon City noong Abril 21. Inakusahan ng pulis ang complainant ng wrongdoing at kasunod nito ay ang isang mainitang pagtatalo.
Ayon sa complainant, sinaktan ng pulis ang kanyang minor na babaing anak at nakunan pa ito ng video. Araguyyy! Ang QCPD Station 2 commander mismo ang nagresponde at dinisarmahan ang lasing na pulis na haharap sa samu’t saring kaso sa Department of Justice. Tsk tsk tsk! Pulis na naman? Hindi nagsasawang mag-relieve ng pulis si Aberin.
Mukhang minamalas ang PNPA Class ’96 ah. Wala pang isang buwan matapos ma-relieve si EPD director Brig. Gen. Villamor Tuliao, sumunod kaagad si Buslig. Pansamantala si Col. Randy Glenn Silvio, ang Deputy Director for Administration ang OIC ng QCPD. Si Silvio ay miyembro ng PNPA Class ’97, na nasa zone of consideration na. Pagbutihin mo Col. Silvio Sir ha? Abangan!
- Latest