Birthday facts
April 23, 2025 | 12:00am
January
- Garnet ang kanilang birthstone na simbolo ng proteksiyon.
- Ang sanggol na isinilang sa buwan ng January ay kadalasang nagiging doctor base sa pag-aaral na ginawa sa United Kingdom.
- Kilala sila bilang matigas ang ulo ngunit determinadong isakatuparan ang mga plano at pangarap sa buhay.
February
- Ang birthstone ay amethyst, simbolo ng malalim na pag-ibig, pagpapakumbaba, katapatan at kayamanan.
- Sila ay creative at imaginative kaya kadalasan ay nagiging sikat sa kanilang propesyon.
March
- Ang birthstone ay aquamarine na simbolo ng kapayapaan.
- Base sa research, karamihan sa kanila ay nagiging CEOs.
- Sila ay mataas ang Emotional Intelligence kaya may masayang disposisyon sa buhay or optimistic. ‘Yun bang pulos positibo ang nakikita na angkop sa ugali ng isang lider ng kompanya or CEO.
April
- Ang birthstone ay diamond, simbolo ng good health at long life.
- Ang April babies ay nagiging mabuti at matapat na kaibigan.
- Ayon sa research ay kagaya rin sila ng March-born individual na taglay ang leadership qualities. Sa 300 na kompanyang na-survey, karamihan sa mga CEOs ay ipinanganak ng March at April.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
May 23, 2025 - 12:00am