Mayang (203)
“MATAGAL tayong nagkahiwalay at nawalan na ako ng pag-asa na makita ka Mayang. Pero hindi ako tumigil sa paghahanap sa iyo at sa tulong ng mga mga taong may mabubuting kalooban, natagpuan kita at ating anak,’’ sabi ni Jeff. “Kaya kung maganda ang love story nina Lolo Nado at Lola Encar, mas maganda ang kasaysayan ng pag-ibig natin.”
“Oo nga Jeff. Tama ka. Kasi, kahit na nga matagal kang hindi nagpakita sa akin, nasa dibdib ko pa rin ang pag-asa na isang araw ay darating ka. Basta ganun ang nararamdaman ko. Bagamat may nadarama akong galit sa iyo, hindi naman ‘yun ibig sabihin na sagad na ang galit ko sa’yo. Mas nakalalamang pa rin ang nadarama kong pagmamahal sa iyo.”
“Talagang hindi ka nagtanim ng galit kahit pitong taon akong hindi nakapag-communicate sa iyo?”
“Hindi. Talaga sigurong mabait ako at handang magpatawad lagi. Isa pa nga, ikaw ang unang lalaki sa buhay ko. Wala akong ibang nakarelasyon. Ikaw ang first sa akin—lahat-lahat!”
“Ako rin naman—ikaw ang una kong nobya. Sa iyo ko rin natikman ang lahat nang una.”
“Owww talaga?”
“Oo.”
“Wala kang nakarelasyon sa New Zealand?”
“Wala namang babae sa kompanya namin. Napakalayo sa kabihasnan ng aming pinagtatrabahuhan. Kaya nga nakapag-ipon ako nang todo.”
“Ako talaga ang una sa iyo?”
“Oo, ikaw lahat.”
“Talagang kakaiba ang love story natin, Jeff.”
“Gusto ko hanggang sa wakas, ganito tayo, Mayang.”
“Hanggang sa tumanda tayo, Jeff.”’
“Walang magbabago sa atin, Mayang.”
“Oo Jeff.”
(Tatapusin na bukas)
- Latest