^

Punto Mo

Lalaki, nagkaroon ng girlfriend matapos lumubog sa kumunoy!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG hindi inaasahang insidente sa isang beach sa Lake Michigan sa U.S. ang nauwi hindi lang sa pagkakaligtas ng isang lalaki mula sa kumunoy kundi pati na rin sa isang bagong relasyon.

Habang naglalakad at naghahanap ng Leland blue stones sa Reynolds Street Beach sa Leland, Michigan, biglang lumubog hanggang baywang si Mitchell O’Brien matapos tumapak sa bahagi ng basang buhangin na kalauna’y napag-alamang kumunoy. Kasama niya noon si Breanne Sika, isang kasamahan sa trabaho.

“Akala namin matatag ang buhangin. Mukha lang itong basa at akala namin ay matibay para lakaran,” ani O’Brien sa panayam.

Hindi ito ang unang beses na naranasan niya ang ganitong uri ng panganib sa Great Lakes, pero ayon sa kanya, mas malala ito. “Parang may humihila sa kaliwa kong paa pababa. Hindi ko talaga maigalaw. Para akong nakabaon sa isang patibong,” dagdag pa niya.

Magkahiwalay na tumawag ng 911 sina O’Brien at Sika at dito na nabuo ang opisyal na pagtukoy nila sa isa’t isa bilang magkasintahan.

“Sinabi ko sa operator, ‘I think my girlfriend’s trying to call too.’ Habang si Sika naman ay sinabi sa kabilang linya na: ‘My boyfriend is stuck in the sand,’” kuwento ni O’Brien. “Doon na namin unang tinawag ang isa’t isa na girlfriend at boyfriend.”

Nakarating agad ang mga emergency responders at ligtas nilang naiahon si O’Brien mula sa kumunoy.

Ayon sa imbestigasyon, ang “quicksand” o kumunoy ay resulta ng hydraulic dredging sa lugar, kung saan tinatanggal ang halos 60,000 cubic yards ng buhangin mula sa ilalim ng harbor.

Babala ng mga awtoridad, delikado ang slurry na naiiwan mula sa dredging dahil maaari itong magdulot ng pagguho o pagkalubog.

Nagpaskil na ngayon ang Leland Township Fire Department ng mga babala sa lugar para maiwasan ang parehong insidente.

“Bihira mangyari ang ganito,” pahayag ni Fire Chief Dan Besson. “Pero ngayon, handa na kami.”

GIRLFRIEND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with