^

Punto Mo

Puwede na bang tanggalin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May sapat ba kaming dahilan para tanggalin na ang isa naming empleyado? Nagkaroon na po kasi siya ng mga violations dati pero suspension lang ang ipinataw naming parusa. Ngayon po ay may violation po ulit siya. Puwede na ba namin siyang sisantehin? — Annie

Dear Annie,

Wala kang binanggit na mga detalye ukol sa mga sinasabi mong violation ng iyong ­empleyado pero kung ang hindi niya pagsunod sa company rules and regulations ay masasabing matindi at paulit-ulit na kapabayaan sa tungkulin, maaring ipagpalagay na siya ay guilty ng tinatawag na gross and habitual neglect of duty na sapat na dahilan para sa kanyang termination o pagkakatanggal.

Isa ang gross and habitual neglect of duty sa mga tinatawag na authorized cause for termination sa ilalim ng ating Labor Code. Ayon sa Department Order 147-15 ng Department of Labor and Employment, ang “gross neglect” o matinding kapabayaan ay tumutukoy sa lubos na kawalan ng pag-iingat na dapat sana ay karaniwang maaasahan mula sa isang maingat na tao patungkol sa kanyang mga gawain. Ang “habitual neglect” naman ay ang paulit-ulit na hindi pagtupad ng empleyado sa kanyang mga tungkulin.

Kaya para masabing guilty ng gross and habitual neglect of duty ang isang empleyado kailangang siya ay (1) naging pabaya sa kanyang tungkulin at (2) ang kapabayaan na ito ay masasabing seryoso o hindi basta-basta at paulit-ulit.

Katulad ng nabanggit ko, hindi mo idinetalye kung anong klaseng violation ang ginawa ng tinutukoy mong empleyado. Kung ang mga violation na kanyang ginawa ay nagpapakita ng matinding kapabayaan sa kanyang tungkulin ay maari siyang matanggal dahil sa pagkakalahad mo ay paulit-ulit na ang kanyang naging violations.

Kailangan lang tandaan na kahit pa totoong guilty sa gross and habitual neglect of duty ang tinutukoy mong empleyado, kailangan pa rin sundin ang tinatatawag na “twin notice rule”. Kailangang mapadalhan ang empleyado ng notice to explain upang siya ay mabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag at maipagtanggol ang sarili.

Kung hindi sapat ang kanyang naging paliwanag, saka lamang siya maaring padalhan ng notice of termination kung saan pormal na nakasaad ang kanyang pagkakatanggal sa trabaho.

EMPLOYEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with