^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga kandidatong hindi nakontrol ang dila

Pang-masa
EDITORYAL - Mga kandidatong hindi nakontrol ang dila

Sinampahan ng Commission on Election (Comelec) ng disqualification case si Pasig congressional candidate Christian “Ian” Sia dahil sa pagbibiro na may kaugnayan sa single mother at sa body shaming sa kanyang office staff. Ginawa ni Sia ang pagbibiro sa campaign rally. Maraming kababaihan ang nagalit kay Sia.

Ayon sa Comelec Task Force Safe, pagbabawalan nila si Sia na tumakbo sa pagka-kongresista sa darating na May 12 elections at kung ito naman ay mananalo, sususpendihin nila ang proklamasyon nito.

Pero mukhang hindi lamang si Sia ang pagbabawalan ng Comelec na tumakbo sapagkat ilan pang kandidato ang inisyuhan ng show cause order dahil sa mga ginawang pagbibiro habang nagdaraos ng campaign rally. Ang ginawa ni Sia ay ginaya ng iba pang kandidato kaya nahaharap din sila sa pag-uusig ng Comelec.

Pinakabagong inisyuhan ng show cause order ay si Editha “Wowee” Manguera dahil sa racist na pahayag. Tumatakbo siyang mayor sa Pasay City. Ayon sa Comelec, sinabi ni Manguera sa campaign rally nito na “Tanggalin na natin ang Bumbay para wala nang amoy sibuyas na naiiwan sa Pasay Gen.” Umani umano ng tawanan ang sinabi ni Manguera. Ang tinutukoy ni Manguera ay ang mga dayuhang estudyante na nag-aaral at nag-i-intern sa Pasay City General Hospital.

Ayon sa Comelec, nilabag ni Manguera ang Comelec Resolution No. 11116 (Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines). Binigyan ng tatlong araw si Manguera upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng reklamo.

Inisyuhan din ng Comelec ng show cause order si Rep. Ruwel Peter Gonzaga ng 2nd District ng Davao de Oro dahil sa sexual remarks nito sa tatlong magkakahiwalay na events. Sinabi umano ni Gonzaga ang mga sumusunod:

“May mga gawain ang mga lalaki na tinatanong niya na kaya rin bang gawin ng mga babae? Kaya? Mas ­matindi nga siguro ang mga babae sa mga lalaki. Ang mga lalaki magaling kayong ‘umiyot.’ Kayo bang mga babae maga­ling ba kayong ‘umiyot’? O mas magaling pa kayo sa mga lalaki? ‘Yan ang mga tanong na dapat ninyong sagutin, bakit? Sasabihin niyo agad kaming mga babae, equal kami sa mga lalake. Pero hindi na ‘yan totoo ngayon. Hindi na talaga. Kasi karamihan sa mga babae, pinipili na lang kung saan sila. Sa ilalim ba o sa ibabaw? Sinasabi ko sa inyo si Nena Atamosa, labing apat na taon nang biyuda. Sigurado ako, Nagsara na ang ‘kanya.’ Susubukan mo bang paluwagan? Ibigay na ‘yan kay Kagawad Arguelles pero gusto ko sa lips. Sige na one, two, three. Pinagpawisan ka ba kagawad? ‘Wag na lang sa lips dito na lang. Sige na. Dotdot, susuyuin kita. Bumukaka ka na.” Si Gonzaga ay tumatakbong governor sa Davao de Oro.

Malaking leksiyon ito sa mga kandidato. Huwag kasangkapanin ang kapwa para lamang makapagpatawa. Kontrolin ang dila para hindi lumagpak.

CHRISTIAN “IAN” SIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with