^

Punto Mo

918 katao, sabay-sabay naglaro ng monopoly sa Australia para sa batang biktima ng brain cancer

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG makasaysayang pagtitipon ang isinagawa sa Sydney kung saan 918 katao ang sabay-sabay na naglaro ng Monopoly sa 150 mesa, upang makamit ang bagong Guinness World Record at sabay na magbigay-pugay sa isang batang namatay dahil sa brain cancer.

Ang aktibidad ay ­inorganisa ng Little Legs Foundation, isang ­charity na tumutulong sa mga batang may brain cancer, kasama ang mag-asawang Sue-Ellan at Marino Vasiliou.

Ang kanilang anak na si Alegra ay pumanaw noong 2017 sa edad na anim matapos ang laban sa naturang sakit.

“Ayaw naming maalala si Alegra dahil sa lungkot. Gusto naming ipagdiwang ang buhay niya sa pamamagitan ng pagkakaisa, saya, at adhikain. Ang event na ito ay alay sa kanya,” ayon kay Sue-Ellan sa panayam ng Guinness World Records.

Hindi lamang laro ang layunin ng pagtitipon. Layunin din nitong palaganapin ang kamalayan ukol sa brain cancer sa kabataan, isang kondisyong bihira ngunit mapaminsala.

Nais ng pamilya Vasiliou at ng kanilang foundation na mas mapalawak ang suporta at pondo para sa pananaliksik ukol dito.

Ito na ang ikalawang beses na nagtangka ang grupo na makamit ang record. Ang naunang record breaking attempt ay kinulang lamang ng 30 kalahok upang malampasan ang previous record na 733.

Sa halip na karaniwang awareness campaign, ginamit ng foundation ang classic board game upang maging mas masayang paraan ng pagpapalaganap ng kanilang adhikain.

“Hindi lang ito tungkol sa Guinness record. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng dahilan para magtipon, tumawa, maglaro, at magmahal, gaya ng ginagawa ni Alegra habang siya ay nabubuhay pa,” dagdag pa ni Sue-Ellan.

MONOPOLY

SYDNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with