Mga kailangang malaman tungkol sa demand letter
Dear Attorney,
Dapat po bang ipa-notaryo ang demand letter after itong matanggap ng pagbibigyan? Kailangan din po ba na abogado ang gumawa ng demand letter? May takdang panahon po ba kung kailan dapat magpadala ng demand letter at ano po ang mangyayari kung hindi ito nagawa? — Bong
Dear Bong,
Hindi kailangang notaryado ang demand letter. Hindi rin kailangan na abogado ang gumawa nito. Ang mahalaga ay nakasaad sa demand letter ang sinisingil na halaga, kabilang na ang interest at penalties, kung mayroon man, at ang petsa kung kailan dapat bayaran ng may utang ang sinisingil na halaga.
Wala namang takdang panahon para sa pagpapadala ng demand letter. Ang mahalaga ay hindi pa nababayaran o natutupad ang pagkakautang o obligasyon at ito ay due and demandable na, o maari nang singilin.
Mahalaga ang pagpapadala ng demand letter kung may plano na magsampa ng kaso.
Karaniwan ay maari kasing maging dahilan ng agarang pagkakabasura ng kaso kung hindi maipapakita sa korte na nasingil ng maayos ang may utang at nabigyan siya ng sapat na pagkakataon para makapagbayad bago humantong ang lahat sa demandahan.
- Latest