Semana Santa, gunitain muna natin ang siphayo ni Maria
MASAKIT sa isang ina ang makitang naghihirap ang kanyang anak sa kamay ng ibang tao hanggang patayin ito dahil sa pagsasabi ng totoo at pinaniwalaan nang maraming mamamayan ng Israel. Hudaismo po ang relihiyon ng Israel.
Ipinanganak si Hesus sa Bethlehem at lumaki sa Nazareth na ang nakasasakop ay lahing Palestino dahil tumakas sila sa kaharian ni Herodes na nag-utos na patayin ang lahat ng sanggol na bagong panganak. Walang tahanang nagpatuloy sa kanila dahil sa takot na madamay sa galit ni Herodes!
Ang mga magulang ni Hesus na sina Maria at Jose ay mananampalataya rin ng Hudaismo, kaya inirehistro nila si Hesus sa Herusalem noong labindalawang taong ito.
Walang naging katuruan si Hesus upang sumuway sa gobyerno bagkus ay nagturo pa nga ito nang tamang pagbabayad ng buwis sa gobyerno (Mateo 22:21 at Lukas 20:25). Good citizen talaga!
Isinakdal ng mga Pariseo sa tribuna ng gobyerno ng mga Hudyo si Hesus sa bintang na paglapastangan sa Diyos na kinikilala ng mga Hudyo. Patunay na ang pagsasabi ng katotohanan ay nakapapahamak.
Si San Pablo ay isa sa mga kumontra sa mga katotohanang itinuturo ni Hesus noon hinggil sa katuparan ng katuruan na naisulat sa Lumang Tipan ng mga sinaunang propeta. Nabulag si San Pablo at pinagaling ni Hesus na nagsisi lamang bandang huli at nagpatotoong si Hesus nga ang mesiyas. To see is to believe!
Hindi man madaling tanggapin ng isang inang tulad ni Maria ang kinasapitan ng anak na si Hesus ay naglubag ang kanyang loob nang makitang muling nabuhay ang Panginoon.
At saka lamang tumibay ang pananampalataya ng mga apostoles nito at naniwalang si Hesus nga ang Mesiyas. Nagduda pa nga noong una si Tomas, ‘di ba?
Hawig din sa mga nangyayari sa kapanahunan natin ngayon ang dinanas ng maraming ina na nagdurusa dahil na-tokhang sa kautusan ng pamunuan ang kanilang anak kahit nakursunadahan lang. May reward money kasi, samantalang kay Herodes wala!
- Latest