^

Punto Mo

EDITORYAL — Anti-Bullying Act hindi naipatutupad

Pang-masa
EDITORYAL — Anti-Bullying Act hindi naipatutupad

HINDI naipasusunod sa mga eskuwelahan ang Anti-Bullying Act (Republic Act No. 10627) kaya may mga malalagim na nangyayari kaugnay sa bullying. Layunin sa paglikha ng batas na maprotektahan ang mga estudyante sa bullying sa loob ng school. Hindi lamang physical ang sakop ng batas kundi pati na ang verbal, relational aggression, cyber-bullying at sexual bullying.

Nakadidismaya na nawawalan ng silbi ang Anti-Bullying Act dahil sa kapabayaan at pagwawalambahala ng mga namumuno sa paaralan. Dahil sa kapabayaan, nagpapatuloy ang bullying at may humahantong sa malagim na pangyayari. May nakakaisip gumanti dahil na-bully ng kaklase—at nakautang ng buhay.

Ganyan ang ginawa ng lalaking Grade 8 student sa Moonwalk National High School sa Parañaque noong nakaraang linggo. Ilang beses niyang sinaksak ang kaklaseng babae gamit ang kitchen knife. Ayon sa pulisya, nagawa iyon ng suspek dahil binully daw ng kaklase. Nang makasalubong daw ng suspek ang biktima sa pintuan ng classroom, kinuha ang kitchen knife at sinaksak ito. Nakatakbo pa raw ang biktima pero hinabol pa ng suspek at sinaksak pa. Napigil lamang daw ang suspect nang dumating ang guard ng school. Maraming estudyante ang nagimbal sa nasaksihan. Maraming na-trauma.

Ayon sa ina ng biktima, bago raw naganap ang pananaksak, naipagbigay-alam na sa kanya ng anak na mayroong nagbanta na sasaksakin siya. Classmate raw nito ang nagbanta. Marami sa mga classmate ang binantaan din ng suspek. Hindi makapaniwala ang ina ng biktima na patay na ang kanyang anak at kaklase nito ang may kagagawan.

May pananagutan ang eskuwelahan sa ­nangyaring ito sapagkat hindi nila ipinatupad ang nakasaad sa batas. Nasa pangagalaga nila ang mga estudyante kaya nararapat na pinrotektahan nila laban sa bullying. Dapat namo-monitor ng pamunuan ng school kung may nagaganap na bullying sa kanilang mga estudyante. Kung istrikto nilang naipatupad ang Anti-Bullying Act, hindi sana nangyari ang malagim na pagpatay.

May pananagutan din ang ina ng biktima sa nangyari. Kung kumilos agad sana ang ina ng biktima, maaring napigilan ang pagpatay. Nagsumbong na ang anak na binantaan siyang sasaksakin pero pinagwalambahala ng ina. Nagtungo sana siya sa school at ipinagbigay-alam sa teacher o principal ang balak ng suspek. Hindi sana nangyari ang krimen kung naging responsible ang school at magulang ng estudyante. Malaking leksiyon ito sa panig ng eskuwelahan. Ipasunod ang Anti-Bullying Act upang maiwasan ang karahasan sa eskuwelahan.

BULLYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with