^

Punto Mo

Mayang (177)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS ikuwento ni Mayang­ ang love story ni Mam Ara­celi, humanga si Jeff sa guro.

“Napakabait talaga ni Mam Araceli ano, Mayang? Ang nagka­sala sa kanya ay walang anumang pinatawad niya. Siguro ang pagpapatawad niya sa kapwa ang na­kapagpagaling sa kanyang kanser.”

“Posible Jeff. Isa pa marami rin ang nagdasal para sa kanya—lahat ng estudyante sa pinagsilbihan niyang school ay nag-offer ng dasal para sa mabilisan niyang paggaling.’’

“Patuloy ba rin siyang dina­dalaw ni Cynthia?”

“Oo. Sabi ni Mam nung na-confine siya sa ospital sa Maynila, si Cynthia ang nagbabantay sa kanya. Malapit lang din kasi ang tirahan ni Cynthia sa ospital kaya mabilis siyang nakakapunta roon. Sabi ni Mam, hindi niya akalain na ang babaing nakaagaw niya kay Manuel ay malaki pala ang maitutulong sa kanya. Sino raw ba ang makapagsasabi na ang babaing nagdulot sa kanya ng pait at hapdi ay magbubuhos pala ng pagmamahal. Kaya talaga raw mabilis niyang nalimutan ang mga masasakit na nangyari sa buhay.”

“Bihira ang ganun na ang taong nagkasala nang mabigat sa dakong huli pala ay magiging mabuting kaibigan.’’

“Ang ganda ng istorya ni Mam Araceli ano—puwedeng pampelikula,’’ sabi ni Mayang.

“Oo nga. Maialok nga sa isang producer.”

Nagtawa si Mayang.

“Sino naman ang artista na gaganap kay Mam Araceli?’’

“Si Vilma?’’

“Puwede.”

“Puwede rin si Nora.”

“Aprub!’’

“Sinong gaganap sa papel ni Manuel?’’

Nag-isip si Jeff.

“Wala akong maisip.”

Nasa ganun silang sitwasyon nang may tumawag sa labas.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with