^

Punto Mo

Puwede bang umatras sa isinampang kaso?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede pa bang iatras ang kriminal na kaso kung nagka­ayos na rin naman kami ng taong sinampahan ko ng demanda. Puwede ba akong mareklamo sa pag-aatras ng kaso?  — Alma

Dear Alma,

Puwede ka namang umatras bilang private complainant, pero hindi basta-basta naiaatras ang mismong criminal na kaso.

Kahit pa kasi mag-file ng tinatawag na Affidavit of Desistance o affidavit ng pag-atras ng taong nagrereklamo ay nasa hukom pa rin o sa piskal ang huling pagpapasya kung tutuloy ba o hindi ang pagdinig sa isang criminal na kaso.

Wala naman kasi sa nagsampa ng reklamo ang kontrol ukol sa pagpapatuloy ng isang kriminal na kaso dahil hindi lang naman siya ang biktima at naagrabyado sa naganap na krimen.

Damay din ang kaayusan at katahimikan ng ating lipunan, kaya nga People of the Philippines ang inilalagay sa mga criminal cases at hindi ang pangalan ng mismong nagsampa ng reklamo.

Kaya hindi tiyak at basta-basta ang pagdi-dismiss sa isang criminal na kaso lalo na kung tungkol ito sa heinous o karumal-dumal na krimen tulad ng rape o murder at may iba pang maaring magtestigo sa krimen bukod sa mismong private complainant.

Ukol naman sa kasunod na tanong mo, wala namang parusa ang pag-atras ng demanda ngunit kung sakaling ang isinampa mong reklamo ay malinaw na walang basehan at isinampa mo lang ito upang makapang-harass ay maari itong pagmulan ng kasong malicious prosecution at hindi magi­ging hadlang ang pag-atras mo ng reklamo upang ikaw ay mapatunayang guilty sa nasabing reklamo.

CASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with