^

Punto Mo

EDITORYAL — Nakakasawana ang patayan

Pang-masa
EDITORYAL — Nakakasawana ang patayan

SINAMPAHAN ng kasong sedition ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si ­dating President Rodrigo Duterte noong Martes dahil sa pagbabanta na papatayin ang 15 senador. Isinampa ni CIDG Director Nicolas Torre III ang kaso sa Department of Justice. Ayon kay Torre, hindi dapat balewalain ang sinabi ng dating Presidente.

Ang “kill threat” ay sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng PDP senatorial bets sa Club Filipino, sa San Juan City noong Pebrero 13. Ayon kay Duterte, makapatay lamang sila ng 15 senador ay makakapasok na silang lahat. “Marami kasi sila, ano ang dapat gawin natin? E di patayin natin ‘yung mga senador ngayon para mabakante,’’ anang dating Presidente.

Halos nagkakapareho ng kapalaran ang dating Presidente at kanyang anak na si Vice President Sara Duterte nang sampahan ng kaso ng NBI noong nakaraang linggo dahil naman sa pagbabantang ipapapatay si President Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez noong Nobyembre 23, 2025.

Hindi na bago ang “pagpatay” na naging bukambibig na ng dating Presidente mula nang maupo noong 2016 hanggang 2022. Pawang “patay” ang naririnig sa kanya.

Noong Disyembre 15, 2016, inamin ni Duterte na tatlong tao ang pinatay niya habang siya ay mayor ng Davao City. Binaril umano niya ang mga ito. Kapag daw nagmomotorsiklo raw siya sa Davao ay talagang naghahanap siya ng gulo para makapatay.

Noong Pebrero 2, 2017, sinabi ni Duterte na ­dadagdagan pa niya ang mga napatay sa isinasagawang drug campaign. Tatlong libong drug suspects na raw ang napapatay pero dadagdagan pa niya para maubos na ang mga nagtutulak ng droga.

Noong Set. 27, 2018, inamin ni Duterte sa isang talumpati na siya ang may kargo sa extrajudicial killings sa bansa. Siya raw ang nag-utos ng mga iyon. Ang kasalanan daw niya ay extrajudicial killings!

Pawang patay ang narinig sa dating Presidente sa loob ng anim na taong panunungkulan. Ngayong nasa pribado na siyang buhay, “patay” pa rin ang namumutawi sa kanyang mga labi. Nakakasawa na ang patayan! May maganda naman sanang masabi ang dating Presidente ng bansa na makatutulong sa kabuhayan ng mga Pilipino.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with