^

Punto Mo

EDITORYAL – Dengue outbreak

Pang-masa
EDITORYAL – Dengue outbreak

TATLONG rehiyon sa bansa ang kinakitaan nang mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4-A. Una nang nagdeklara ang Quezon City ng dengue outbreak noong Sabado nang umabot sa 1,769 ang kaso ng  dengue mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2025. Pinakilos ni QC Mayor Joy Belmonte ang kanyang mga tauhan para maagapan ang paglaganap ng dengue. Lahat ng QC Health Centers ay bukas tuwing Sabado at Linggo. Nagla­tag din ng fever express lane sa lahat ng city’s health centers at hospitals upang magamot ang QCitizens na may dengue. Ayon pa sa report, 58 percent nang tinamaan ng dengue sa QC ay mga bata na may edad na 5 hanggang 17.

Naiulat din ang mataas na kaso ng dengue sa Negros Occidental. Ayon sa provincial health office, mula Enero 1-18, 2025, tumaas ng 296 percent ang kaso ng dengue kaysa nakaraang taon sa parehong buwan. Mga bata ang biktima ng dengue.

Ang biglang paglobo ng dengue cases ay nakababahala lalo pa’t hindi naman panahon ng tag-ulan. Nakapagtataka na hindi naman umuulan sa Metro Manila at hindi rin nakararanas ng baha. May mga lugar sa Bicol at Mimaropa na binabaha dahil sa epekto ng shear line pero wala namang naiulat na may pagtaas ng dengue.

Sinabi pa nga ng Department of Health (DOH) noong nakaraang buwan na mababa ang kaso ng dengue sa buong bansa. Ayon kay DOH Assistant Secrerary Albert Domingo, mula Enero 1-18, nasa 10,842 na kaso ng dengue ang nai-report. Mas mababa ito kumpara noong nakaraang taon sa parehong buwan na 11,781 na kaso ng dengue ang naireport.

Ganunman sinabi ng DOH na dapat ibayong pag-iingat ang gawin para makaiwas sa nakamamatay na dengue. Ang dengue ay galing sa lamok na Aedes Aegypti. Madaling makilala ang lamok na ito dahil sa guhit na puti at itim sa katawan. Sa araw nangangagat ang lamok na ito.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tuma­tagal ng isang linggo, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan, pagkakaroon ng rashes, at ang ihi ay kulay kape. Ipinapayo ng DOH na kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas, kumunsulta agad sa doktor. Ipinapayo na pagsuutin ng padyama ang mga bata para may proteksiyon sa lamok. Ipinapayo rin ang paggamit ng kulambo at ang 4s strategy. Ang 4s ay: search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation at support fogging or spraying in hotspot areas.

Pag-ibayuhin pa ng DOH ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko para makaiwas sa dengue. Marami sa mamamayan ang kulang sa kaalaman sa dengue lalo ang mga nasa liblib na lugar.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with