^

Punto Mo

Edukasyon, nabaon sa limot sa kampanyahan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NANGINGIBABAW sa kasalukuyang panahon ng kampan­yahan sa May elections ang patutsadahan at siraan ng magka­kabilang kampo o ang tinatawag na negative campaigning. At tila walang ni isa mang kandidato sa pagka-senador ang may platform patungkol sa edukasyon. O nabaon lang sa limot?

Sinimulan ba naman ni President Bongbong Marcos ang atake sa unang araw ng kampanya sa kalaban na nautusan lang daw bumili ng suka. Ano pang aasahan e di umaatikabong tirahan, habang ang mga importanteng issues, tulad ng edukasyon, ay hindi napag-uusapan.

Kapag hindi nabago ang ganitong sistema ng kampanyahan, ang mangyayari ay pipili na naman ang mga botante base sa kung sino ang sikat at walang kinalaman kung ang kandidato na kanilang iboboto at may magandang plataporma. Ano pa nga ba?

Kaya nanawagan ang advocacy group  na Philippine Business for Education (PBEd) sa mga kandidato na ihayag ang kanilang plano at unahin naman ang kanilang mga programa, lalo na ‘yung tutugunan ang krisis ng edukasyon sa bansa.

“Candidates must be vocal and proactive about their education platforms to address the systemic failures plaguing the Philippine education system, which remains in deep crisis,” sabi ni PBEd Executive Director Justine Raagas.

Sa report kasi na inilabas ng Second Congressional Commission on Education, karamihan sa batang Pinoy sa Grade 3 ay nahuhuli ng isa hanggang dalawang taon sa curriculum expectation, subalit pinapasa pa rin paakyat sa Grade 4.

Napag-alaman din na ang mga kabataan Grade 8 at 9 ay hirap sa basic subtraction and multiplication. Bagama’t mahalaga ang programang pang-ekonomiya at political, binigyang-diin ni Raagas na dapat ding bigyan pansin ang reporma sa edukasyon.

“Lawmakers, local chief executives, and aspiring leaders must prioritize policies that strengthen the education sector if they aim to create lasting impact and meaningful legacy,” dagdag pa ni Raagas. Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Raagas ang mga maihahalal na bagong senador o lider ay dapat may malinaw na plano upang pigilan ang patuloy na pagdausdos ng kalidad ng edukasyon sa Pinas.

Sinabi ni Raagas na ang programang pang edukasyon ay puhunan sa kinabukasan. Dahdag pa niya na ang bawat piso gagastusin sa program ito ang magbubukas ng pinto sa mas mabuting ekonomiya ng Pinas para sa darating na henerasyon.

Hindi pa ba ito napagtanto ng ating mahuhusay na kandidato o sadyang ayaw nilang maging matalino ang mga Pilipino at baka hindi na sila iboto. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nagsimula na ang 90-day campaign period noong Pebrero 11 para sa mga senador at party-list groups at ang 45-day campaign period para sa mga local na kandidato, kabilang ang mga miyembro ng Kongreso ay magsisimula naman sa Marso 28.

Nangangahulugan ng ang mga kandidato ay meron lamang hanggang sa Mayo 10 para ihayag ang kanilang plataporma at mga plano. E bakit tila wala pa tayong naririnig na kandidatong nagsalita ukol sa platapormang pang edukasyon? Ano pa kaya ang hinintay nila? Hehehe! Ambot sa kanding na my bangs!

Imbes, ang naririnig ng mga Pinoy ay puro bangayan sa pulitika na hindi naman nakakatulong para bumaba ang presyo ng bigas at iba pang pagkain. Abangan!

EDUKASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with