^

Punto Mo

Lolo na may pinakamalaking koleksiyon ng bricks, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 87-anyos na lolo sa Oklahoma ang sinorpresa ng kanyang pamilya matapos makuha ang Guinness World Record para sa pinakamalaking koleksiyon ng bricks na umabot sa 8,882 piraso!

Habang wala sa kanyang bahay si Clem Reinkemeyer, lihim na binibilang at idinokumento ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang koleksyon ng mga bricks.

Pagbalik niya, isang opisyal na Guinness certificate ang sumalubong sa kanya bilang patunay sa kanyang world record.

Apat na dekada nang nangungulekta si Reinkemeyer, at isa sa kanyang pinaka-prized possesion ay isang Roman brick mula pa noong A.D. 100.

May ilan ding may maling spelling, tulad ng isang brick na may “Tulsa” pero baliktad ang letra “S.”

Isa sa kanyang paborito ay isang sidewalk brick mula sa isang pasilidad sa Washington, ang eksaktong lugar kung saan nakatayo ngayon ang Pentagon!

Para kay Reinkemeyer, bawat brick ay may kuwentong dala. “May pangalan ang mga ito at may kasaysayan,” aniya. “Hindi pangkaraniwan ang pangungulekta ng bricks, pero sobra ako nitong pina­sasaya.”

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with