Mayang (141)
“SIGURO kaya nangyari ang mga dinanas natin ay para tumibay ang pagsasama natin, ano, Jeff?’’ tanong ni Mayang.
“Oo. Pinatibay tayo ng mga karanasan. Ngayong naranasan natin ang lahat ng mga masasakit at kahindik-hindik na pangyayari, tumibay tayo.’’
“Akala ko talaga, hindi na tayo magkikita. Hindi mo na kami babalikan.’’
“A yun ang hindi mangyayari. Basta sinabi ko sa’yo na babalikan kita, gagawin ko.’’
“Kasi’y baka nga may nakita ka ng iba sa New Zealand.’’
“Wala akong makikita roon. At isa pa, yung kompanya namin ay nasa malayong lugar kaya walang makikitang babae.”
“Aba paano kung nagkaroon ng babae roon, ibig sabihin may posibilidad na mang-chick ka?”
“Hindi! Wala sa bokabularyo ko ang chick—ikaw lang ang chick ko.”
“Joke lang. Alam ko naman na tapat ka.’’
At niyakap si Jeff.
“Siyanga pala, balik tayo sa pinag-uusapan nating si Puri. Saan mo ba talaga siya unang nakilala? Sabi mo sa akin, magkasama kayo sa trabaho.’’
“Oo. Magkasama kami sa trabaho. Una ko siyang nakilala sa isang supermarket sa Dubai. Dun siya nagtatrabaho. Tapos naging magkaibigan kami. Nakiusap sa akin, baka maipapasok ko raw siya sa kompanya ko. Ipinasok ko siya. Kaya nung ipakilala ko siya sa’yo, nasa isang company na kami.”
“Malaki pala utang na loob niya sa iyo kung ganun. Tapos pinagtangkaan kang patayin!’’
“Masyado na sigurong depressed si Puri. Masyadong masalimuot ang buhay niya. Kinuwento sa akin, pinagsamantalahan siya ng ka-live-in ng kanyang ina noong siya ay 14-anyos. Pinasok daw siya sa banyo habang naliligo…”
Nakikinig si Jeff. Marami palang nakatagong kuwento si Puri. May kaugnayan marahil ang mga nangyari noong kanyang kabataan sa kinahantungan ng kanyang buhay. (Itutuloy)
- Latest