^

Punto Mo

Lalaki sa China, umakyat ng bundok nang nakatiwarik!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HABANG karamihan ay hirap na umakyat gamit ang kanilang mga paa, isang lalaki sa China ang nakaakyat ng bundok na gamit lamang ang kanyang mga kamay!

Si Sun Guo Shan, 38-­anyos, ay nagsimulang magsanay ng “handstand climbing” noong Mayo 2023. Pero hindi lang basta pagsasanay ang kanyang ginawa—nagsi­mula siya ng isang ­matinding hamon sa ­sarili: akyatin ang 50 ­pinakasikat na bundok sa China bago matapos ang spring season ng 2025.

Nag-viral si Sun noong Nobyembre 2024 matapos kumalat ang video kung saan inakyat niya ang Haibat, ang pinakamataas na tuktok ng Wudang Mountain na may taas na 1,612 meters gamit lamang ang mga kamay!

Hindi rito natapos ang kanyang hamon. Noong ­Disyembre 2024, inakyat niya ang 999 hagdan ng Tianmen Mountain sa Hunan Province sa loob ng limang oras, sa parehong handstand position.

Ayon sa kanya, ito na ang ika-34 na bundok na kanyang inakyat at ang pinakamahirap sa lahat, kung saan halos 100 beses siyang nadapa bago marating ang tuktok.

Ngayong spring season sa China, layunin niyang tapusin ang kanyang ika-50 handstand climb at tuluyang mag-apply para sa Guinness World Record.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with