^

Punto Mo

PCSO’s systems at sites, fully secured! — Robles

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FAKE clickbait news! Ito ang tawag ni Philippine Charity Sweepstakes Office Gen. Man. Mel Robles sa kumakalat na balita na na-hack ang database ng PCSO kung saan ang listahan ng winners nito ay naibando.

Isiniwalat ni Robles na fake news itong kumakalat sa social media sabay panawagan sa mga Pinoy na ‘wag pansinin ito.

“There was no breach nor any successful attempt to hack the systems of PCSO. We have not reported anything to DICT (Department of Information and Communication Technology) because nothing had happened,” ani Robles.

Ang balita na na-hack ng obscure group of hackers ang database ng PCSO ay ikinalat sa social media noong Februady 14, na nagkataon namang Valentine’s Day.

“Relax, today is Valentine’s Day and don’t let it be ruined by some groups who were out to besmirch or cast doubt on the integrity of our games. It’s too early for April Fool’s Day and let us not easily fall for it,” sabi pa ni Robles.

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan mga kosa ha. Ang balitang na-hack ang database ng PCSO ay panloloko lang at ang motibo rito ay ang nagpakalat lang ng isyu ang nakaaalam. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inamin naman ni Robles na maraming beses ng may nag-nais na ma-hack ang kanilang system subalit ni isa man sa kanila ay hindi nagtagumpay.

“While there were numerous attempts (in the past) to hack our system coming from all over the world, our digital defenses are holding out and remain impregnable,” ani Robles.

Idinugtong pa niya na wala siyang alam na imbestigasyon na ginawa ang PCSO at DICT tungkol sa data breach ng mga lotto winners. May suspetsa si Robles na itong umano’y hackers ay maaring gusto lang mapansin at magkaroon ng pangalan sa social media, at itong fake news ang kanyang ginamit na isyu.

Walang ni isa mang accounts ng PCSO ay inatake o na-compromised, ang mabilis na paliwanag ni Robles. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

Sa tantiya ni Robles, nais lang sabihin ng nasa likod ng fake news na nasilip niya ang data ng email accounts ng PCSO employees, at maaring ito ay nakuha sa opisina ng PCSO Cagayan branch, base sa screenshots na nakalakip sa post.

Ipinunto ni Robles na ito ay list ng individuals na nag-avail ng promo of the PCSO branch in March 2022 at hindi ito mga pangalan ng winners sa jackpot o consolation prizes. Abayyyyy inaamag na pala itong datos na ibinulatlat ng hacker, ‘no mga kosa?

Ayon pa kay Robles, ang litrato ng babae na makikitang may hawak na tiket ay ebidensiya na ang promo tickets ng Cagayan branch ay na-avaiil ng “real people” at hindi ito connected sa listahan ng lotto winners.

“Our database for the lotto jackpot winners is safe in the head office. The branch offices are not connected to the head office,” ayon pa kay Robles. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung anu-anong isyu na ang ibinabato ng mga haters laban sa PCSO subalit mabilis pa sa alas-kuwatro si Robles na naglabas ng datos o ebidensiya para pabulaanan ang mga ito.

Ayon kay Robles, ang systems at sites ng PCSO, na isang government controlled corporation ay fully secured. “I have just checked, at the moment, none of our websites are compromised, breached, or hacked.”

Abangan!

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with