^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga ‘anay’ sa PNP patuloy sa pagsira

Pang-masa
EDITORYAL - Mga âanayâ sa PNP patuloy sa pagsira

DUMARAMI ang mga “anay” na sumisira sa haligi ng Philippine National Police (PNP). Lalo pang dumami ang mga lumilinya sa paggawa ng kasamaan. Kaya sa halip na makabangon ang PNP sa putik, lalo pang nalubog. Sisihin ang mga “anay” sa nangyayari sa PNP.

Noong Linggo, panibagong dumi na naman sa PNP ang dinulot ng 10 pulis sa Tipas, Taguig dahil sa pag-aresto nila sa isang ginang nang walang search warrant. Bukod sa 10 pulis, sinibak din ang commander ng Tipas Police Station.

Sapilitang pinasok ng 10 pulis ang isang tindahan at marahas na dinakip ang ginang kahit walang search warrant. Pinagduldulan ng mga pulis ang isang papel sa ginang na umano’y warrant. Tumanggi ang ginang na sumama. Kinunan naman ng picture ng menor-de-edad na anak ng ginang mula sa cell phone ang mga nangyayari pero pati siya ay inaresto. Inaagaw ng mga pulis ang cell phone ng anak at nang ayaw ibigay ay sinapak pa umano.

Dahil ayaw sumama ang ginang, pinagsisira ng mga pulis ang gamit. Ayon pa sa ginang, tinangay din ng mga pulis ang kanilang paninda, pera at cell phone. Sinira rin umano ng mga pulis ang CCTV.

Napapayag ang ginang na sumama sa pulis nang sabihin na dadalhin sila sa barangay hall. Isinakay sila sa back-to-back police vehicle. Ngunit ayon sa ginang, hindi ang direksiyon patungong barangay ang dinaanan ng sasakyan. Kinabahan ang ginang sa maaring mangyari sa kanila.

Biglang tumalon mula sa police vehicle ang ginang. Tumalon din ang kanyang anak nang makita ang ginawa ng ina. Wala namang nangyari sa mag-ina makaraang tumalon sa sasakyan ng mga pulis.

Sabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kapag napatunayang guilty, mahaharap sa suspensiyon, demosyon, dismissal o kasong kriminal ang mga pulis. Sasailalim umano sa pre-charge investigation ang mga pulis. Hinikayat ng NCRPO ang mga witness na maki­pagtulungan sa imbestigasyon. Kamakalawa, sinibak na rin ang Taguig police chief na si Col. Joey Goforth.

Wala na bang mangyayaring pagbabago sa mga pulis? Marereporma pa kaya ito ni PNP chief ­General Rommel Marbil? Apat na buwan na lamang sa puwesto si Marbil at mahirap paniwalaan kung maisasagawa pa ang pagreporma.

Nang maupo sa puwesto si Marbil noong Abril 1, 2024, sinabi niya sa kanyang talumpati na isasakatuparan daw niya ang mga ninanais ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa ikauunlad ng bansa. Isusulong umano rin niya ang pagreporma sa pambansang pulisya. Matatapos na ang kanyang termino subalit ang mga “anay” sa PNP ay lalo pang dumami. Kailan magkakaroon ng pambansang pulisya na walang dungis?

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with