^

Punto Mo

Unggoyan sa pulitika, si Sara ang napurnada!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKATAYA ang trono ni VP Sara Duterte sa magiging resulta ng senatorial race sa 2025 election. Kapag minalas at hindi nakaipon ng siyam na kakamping senador si Sara, sibak na talaga siya.

Ang pigura ng senatorial race ay nakapako sa isyu ng impeachment verdict laban kay Sara, kaya nagkukumahog ang mga kandidatong senador na kapartido niya na manalo sa 2025 election.

Kung hindi naman makakaabot sa bilang, mabuti pang mag-resign na lang si Sara para puwede pa siyang mamulitika at tumakbo sa 2028 sa kahit anong posisyon.

Binabatikos ngayon ng Duterte camp ang malaking bahagi ng ipinasang 2025 national budget. May butas daw ito at malamang na gagamitin sa programang pang-ayuda sa mahihirap sa panahon ng eleksyon. Hindi na bago ‘yan ‘di ba?

Naging salita ng taon ang “ayuda” noong 2020 sa ilalim ng programang Bayanihan to Heal as One Act. Nakasanayan ito at naging bukambibig na ng mamamayan mahirap o mayaman. Panahon ito ni Digong, may umangal ba?

Kahit ang Commission on Audit (COA) ay binabarubal din ni Digong kapag inuusisa nito ang pinagkakagastusan ng gobyerno. Walang siga noon, si Digong lang!

Pumabor naman sa UniTeam na binuo ng Marcos-Duterte tandem dahil binabarako nga ni Digong ang halos lahat ng departamento ng gobyerno. Kanya raw kasi ang PNP at AFP. Noon ‘yun!

Marami ang naniniwala na kung hindi nag-UniTeam ang Marcos-Duterte, malamang na si Atty. Leni Robredo ang nanalong presidente noong 2022 election. Iba kasi ang naging hatak ng UniTeam noon na ginaya sa Marcos-Lopez tandem noong 1965.

Makalipas lamang ng ilang buwan, nabulabog ang pinagsosyohang panalo ng Marcos at Duterte nang ipagsigawan ni Digong sa Maisug prayer rally sa Davao na “bangag” ang presidente natin. Naispatan pa sina Manang Imee at Sara na nakabungisngis.

Nagalit ang mga loyalista ni Bongbong kabilang na ang mga kongresista na “sumakabilang bakod” na. Ayan, nganga sila ngayon!

Si Bong Go lang ang matibay. Yahooo!

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with