Pinakamalaking kalabaw sa buong mundo, matatagpuan sa Thailand!
ISANG tatlong taong gulang na kalabaw sa isang bukid sa Thailand ang itinanghal na pinakamatangkad sa buong mundo, ayon sa Guinness World Records!
Ang dambuhalang kalabaw na pinangalanang King Kong ay may taas na 6 feet and 0.8 inches mula sa kanyang hoof hanggang withers.
Ito ay halos 20 percent na mas mataas kaysa sa karaniwang laki ng isang adult na kalabaw.
Ayon sa may-ari ng Ninlanee Farm sa Nakhon Ratchasima, kitang-kita na ang kakaibang laki ni King Kong mula pa noong isinilang ito, kaya binigyan siya ng pangalan mula sa sikat na movie monster.
Sa kabila ng kanyang pambihirang laki, hindi naman daw ito mapanganib.
Kuwento ng isang farm worker, malambing si King Kong at mahilig maglaro, magpakamot, at tumakbo kasama ang mga tao sa bukid.
- Latest