^

Punto Mo

Raket ng sindikato sa ospital, lalansagin ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HALANG ang kaluluwan ng mga miyembro ng sindikato na nanloloko pa ng mga kamag-anak ng mga pasyente ng ospital sa Metro Manila ng libu-libong pitsa. Sana makarma kaagad kayo!

Dahil sa sobrang mahal ng bayarin nila sa ospital, madaling magoyo ang mga kamag-anak ng pasyente na pasukin ang alok ng sindikato na bababaan o bigyan nang malaking discount sila kapag nagbayad sa pamamagitan ng e-wallet.

Marami ang kumagat sa raket ng sindikato. Ipinapanalangin tuloy ng mga kosa ko na mag­ka­sakit ang mga miyembro ng sindikato at maratay sa ospital para maramdaman nila ang sakit ng ginawa nilang panloloko. Dipugaaa!

Dapat tuldukan na ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang ganitong raket at ikulong ang mga nasa likod nito. Sana manlaban sila. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Central Luzon director at PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo may 19 cases ng scam na ang naka-report sa Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame. May isang biktima na nalagasan ng P100,000 at ang isa naman ay P70,000. Tsk tsk tsk!

Ang malungkot d’yan, nang puntahan ng mga kamag-anak ng pasyente ang kanilang bayarin sa billing department ng ospital, abayyy nahihilo sila nang matantiyang nabiktima pala sila sa bagong sibol na scam.

Imbes na makamenos sila ng gastusin, nadoble pa ito. Ang masama pa n’yan, ang ilang kamag-anak ay nangutang lang para maka-avail nang malaking discount. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ni Fajardo na ang modus ng sindikato ay tatawagan o magpadala ng text messages sa mga kamag-anak ng pasyente na naka-confine sa ospital at magpanggap na hospital staff.

Sasabihin nilang kailangan na bayaran nila ang existing hospital bills at magbabayad sa pamamagitan ng e-wallet para maka-avail nang malaking discount. Matapos makapagbayad, hindi na makontak ng kamag-anak ang sindikato.

Nananalangin ang mga kosa ko na sana mabulunan ang mga miyembro ng sindikato at ang kanilang pamilya tuwing kumakain sila ng masasarap na pagkain. Puwede ring masagasaan sila sa kalye o dili kaya’y tamaan ng bato sa ulo. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“Around 19 cases yung naireport sa ACG relating sa bagong modus operandi ngayon diyan sa hospital na ang nangyayari ay may mga nare-receive na text messages yung pamilya ng mga biktima na naka confine sa hospital at sinasabi na ito na yung kanilang mga existing hospital bills at pupuwede silang tumulong para mas mapababa ang kanilang mga bills,” ani Fajardo.

“However, there is a need for them to send an initial payment at yun yung gagamitin para iprocess yung possible discount nila at meron na mga na biktima,” ang dagdag pa niya. Sal-it!

Tinitiyak ni Fajardo na may “insider” ang sindikato sa mga ospital dahil mabilis nilang nakukuha ang contact numbers ng kamag-anak ng pasyente. ‘Yan sa ngayon ang hinahalukay ng ACG.

“Isa yan sa talagang kailangan imbestigahan na how come na nakakuha sila ng  mga numero ng mga kaanak ng mga biktima na naka confine. Alam nila kung sino ang kontakin. So hindi naman basta basta ibinibigay yan,” ani Fajardo. “Ibinibigay yan normally doon sa mga staff ng hospital. Alam natin ang mga kriminal would always find ways,” sabi pa niya. Mismooooo! Abangan!

SYNDICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with