^

Punto Mo

Mayang (133)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGO naiputok ni Mayang ang baril na hawak, dalawang magkasunod na putok ang biglang umalingawngaw.

Sapol sa katawan si Puri!

Mula sa labas ng bahay nanggaling ang balang tumama kay Puri.

Hindi makakilos si Mayang nang sa harapan niya mismo bumagsak si Puri. Duguan ito at agaw-buhay.

Nakatingin kay Mayang.

Habang naghihingalo ay humingi ng tawad kay Mayang.

“P-patawad, M-ayang! H-hindi t-otoo a-ang s-sinabi k-ko k-k-anina t-tungkol k-kay J-Jeff. I-ikaw t-talaga a-ang m-mahal n-niya. I-ilang b-beses k-ko s-siyang i-inakit p-pero i-ikaw a-ang ma-mahal n-niya. P-patawad sa mga nagawa kong kasalanan sa inyo...’’ hanggang sa tuluyan nang nawalan ng hininga si Puri.

Napaiyak si Mayang.

Kahit nakagawa ng kasalanan si Puri, meron din silang pinagsamahan noon sa ibang bansa.

Umusal siya ng dalangin at pagpapatawad kay Puri. Sa huling sandali ay nagsisi ito sa ginawang kasalanan. At bago nalagutan ng hininga, binawi ang sinabi ukol kay Jeff. Hindi totoo na minahal siya ni Jeff.

Nakahinga nang maluwag si Mayang. Tapos na ang problema.

Lumapit si Mam Araceli kay Mayang.

“Mga tauhan ni Colonel Buenviaje ang  bumaril sa dalawa. Kailangang gawin dahil nasa panganib ang buhay natin dito,’’ sabi nito at niyakap si Mayang.

“Nasan sina Colonel, Mam?’’

“Nasa labas, nagsasagawa pa ng mga pag-iimbestiga sa mga nahuling kasamahan nina Puri at Henry. Alam mo, ang balak nina  Henry ay tataniman ng bomba ang paligid ng bahay pero napigilan ni Lolo Nado.’’

“Nasaan nga po pala si Lolo?’’

“Dinala na sa ospital dahil may sugat sa ulo—maayos na raw ang lagay.’’

“Salamat sa Diyos!’’ nasabi ni Mayang.

“Mabuti at naabutan nina Colonel ang grupo nina Henry at Puri—kung hindi, baka patay na tayo ngayon. Masyadong mapanganib daw ang  grupo at walang balak sumuko. Patay kung patay!”

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with