Sirkero, nakapagtala ng world record nang mag-juggle habang nakabaliktad!
ISANG beteranong sirkero mula Colombia ang nagpakitang-gilas at gumawa ng bagong world record matapos niyang mag-headstand habang nagja-juggle ng limang bola sa loob ng 45 minuto!
Si José Valencia, 34, ay naglaan nang maraming taon sa pagsasanay bago tuluyang maisakatuparan ang kanyang pangarap na mapasama sa Guinness World Records.
Sa kanyang kahanga-hangang pagtatanghal, pinatunayan niyang hindi basta-basta ang talento at tiyaga ng isang tunay na circus performer.
Sa kasalukuyan, bahagi si Valencia ng Lumous circus, na kasalukuyang umiikot sa Europa para sa kanilang mga palabas.
Tunay na walang imposible sa taong pursigido at may dedikasyon sa kanyang sining!
- Latest