^

Punto Mo

Aksyon ng Kongreso, hinog at planado talaga

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI na marahil kinaya ng mga miyembro ng House quad committee ang pambabarubal at panlalait na ginagawa ng vloggers ng Diehard Duterte Supporters (DDS).

Matapos ang trabaho ng quad comm, nagbuo naman ng Tricom ang Kongreso at tinumbok nga agad nito ang socmed “fake newsmakers”. May maipakulong kaya?

Kakaunti lamang ang rumesponde sa imbitasyon ng Tricom sa social media vloggers na diumano’y fakenews maker.

Magkakasubukan kung tatalab ang “show cause order” na ipahahatid ng Kongreso sa mga angasero. Korteng pasakalye ng Kongreso sa gagawing impeachment proceedings kay VP Sara Duterte. Timing, ‘di ba?

Gipit na sa panahon ang impeachment proceedings dahil nasa election period na ang bansa. Sabi ng Senado sa Hunyo 7 na ito ipagpapatuloy. Kung mananalo ang mga kandidatong senadores na malapit sa administrasyon sa darating na election ay malamang na matuluyang ma-impeach si Sara.

Malaking posibilidad na may listahan nang nakahanda ang 215 congressional district kung sinong senatorial candidates ang ipagdidiinan nilang iboboto ng kanilang mga kapanalig sa kanilang teritoryo. Psychological warfare kaya o totoo na ‘to?

Hindi malayong isipin na kaya kinontra muna ni PBBM ang planong impeachment complaint kay Sara ay pinakiramdaman muna nito ang magiging reaksiyon ng mayoryang Pilipino.

May bilang din naman talaga ang DDS kaya pinahinog muna nang maayos. Ngayon na ­nanguna pa mismo ang anak ni PBBM na si Rep. Zandro Marcos sa pumirma, hinog na ba talaga?

May babala naman si Rep. Paulo Duterte na may hindi magandang mangyayari sa bansa kapag tuluyang ma-impeach si Sara. Ano kaya ‘yun?

Sinopla naman ni PCG Spokesperson Commodore Jay Tristan Tarriela ang sinabi ni Rep. Rodante Marcoleta na hindi raw naman talaga kasali sa mapa ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Nasa puso at isipan kaya ni Marcoleta ang China? Tanong lang naman!

Malalaman kung makatutulong ang mataas na approval rating ni PBBM laban sa bumabagsak na approval ratings ni Sara, ‘di ba? Wait natin!

 

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with