Rapist na pulis, nag-offer ng P5-M sa biktima!
GUMAGANA na ang pitsa ng police blogger na si SMS Timothy “Teejay” Virtucio para magkaroon ng amicable settlement ang rape case n’ya sa Batangas. Kalat na ang Marites sa Mr. Nice Guy cockpit sa Mataas na Kahoy sa Batangas na nag-offer ang kampo ni Virtucio ng halagang P5 milyon sa pamilya ng biktima. Tatanggapin kaya ito ng pamilya? Mukhang kulang? Kung halimbawa gawing anim na doble kaya? Araguyyyyy!
Kung bumili lang sana ng “por kilo” si Virtucio eh di wala pa sana siyang sakit sa ulo, no mga kosa? Kung sabagay, maliban sa sabungan, may trucking at poultry business si Virtucio kaya hindi nakapagtataka kung magkaroon ng out-of-court settlement sa kaso. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa Camp Crame naman, sinabi ni PNP spokesperson at Central Luzon director Brig. Gen. Jean Fajardo na tinanggalan na ng tsapa at dinisarmahan ng kanyang service firearm si Virtucio. Nauna rito, si Virtucio ay inilagay ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas under restrictive custody.
Ayon kay Fajardo, gumigiling na ang kasong administratibo laban kay Virtucio, na kilalang blogger at ang palaging binabanggit sa hulihan ng kanya blog ang katagang “Sayang ang Tattoo.” Si Virtucio ay may maraming tattoo na ipinagbawal na ng liderato ng PNP.
Ayon kay Fajardo, hinahanap na ng pulisya ang kasabwat ni Virtucio sa panghahalay sa biktima na kilala lamang sa alyas na Anthony. Idinagdag pa ni Fajardo na positibo sa inilabas na medico legal report na hinalay ang biktima samantalang hinihintay pa ang resulta ng toxicology test kung pinainom nga ba ang biktima ng droga o ipinagbabawal na gamot. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito, no mga kosa?
Sinabi sa report na itong biktima ay admin officer ng Mr. Nice Guy cockpit kaya palagi silang magkasama ni Virtucio sa opisina. Maganda ang kita ng sabungan noong Disyembre kaya nagkaroon ng Christmas party at doon nangyari ang krimen. Sanamagan! Pitsa na naging bato pa!
Kinabukasan, nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at dinala ito ng asawa sa iba’t ibang ospital hanggang sa makausap ng isang psychologist kung saan ibinida niya ang nangyari sa kamay ni Virtucio.
Ayon kay Lucas, hindi nila mai-file ang criminal case laban kay Virtucio dahil mahina lang ito kapag ang testimonya lang ng asawa at tatay ang ihahain sa korte. Ang magandang balita lang, gumagaling na ang biktima, ayon kay Lucas. Buti naman, para gumana na ang criminal case laban sa police blogger. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayaw ni Lucas na magkomento tungkol sa nagaganap na amicable settlement sa magkabilang kampo dahil hindi na saklaw ng PNP ito. Kaya lang, sinabi ng kosa kong abogado na kapag hindi nagkasundo ang dalawang kampo, hahantong ito sa korte at malaking role ang gagampanan ng mga text messages nina Virtucio at ng biktima.
Matatandaan na lumabas sa report na may nakitang incriminating evidence ang asawa ng biktima sa celfone nito kaya’t nagsampa sila ng kaso laban kay Virtucio. Ano kaya ang laman ng text messages? Your guess is as good as mine mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest