^

Punto Mo

Welcome 2025! Goodbye na sana sa katiwalian!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PIRMADO na ni Pres. Bongbong Marcos ang P6.352 trillion national budget para sa 2025. Binawasan niya ng P194 billion ang orihinal na budget proposal na inilatag ng Kongreso at Senado.

Naging kontrobersyal ang 2025 national budget dahil sa bina­wasang pondo ng Department of Education na ito raw ay uncons­titutional. Maging ang pag-aalis sa subsidy ng gobyerno sa PhilHealth ay umani rin ng batikos.

Ang paglalaan ng P26 billion sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na panga­ngasiwaan ng DSWD at NEDA ay mariing tinutuligsa ng mga kalaban ng administrasyon ni PBBM dahil ipinamumulitika diumano ito.

Nakakainggit naman talaga kapag nasa kabilang bakod ka.

Economic “pump priming” ang tema ng programang AKAP na ginagawa ng maraming bansa upang balansehin ang pamumuhay ng bawat isang mamamayan. Ginawa na rin ang Emergency Employment Administration (EEA) noon ni dating President Diosdado Macapagal.

Tinapyasan ni PBBM ng P26.065 billion ang Department of Public Works and Highways at P168.240 billion na alokasyon para sa hindi pa tukoy na mga proyekto ng gobyerno. Mga pondong hindi maliwanag ang pagkakagastusan ng gobyerno pero binabatikos pa rin ng oposisyon.

Sinisiguro naman ni Department of Finance Sec. Ralph Recto na maaabot ng kanyang depar­tamento ang P4.62 trillion revenue collections mula sa bakuran ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Bureau of the Treasury at Government Owned Controlled Corporations.

Hindi imposible kung magiging tapat ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa layunin ni PBBM na makapaghatid ng mga proyektong kapaki-pakinabang upang maipagpatuloy ang unti unting pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Wala munang tara sa BOC at tax shavings sa BIR. Puwede ba?

Mawala lamang ang pagiging ipokrito ng mga pulitiko na ang intensiyon ay ang makabahagi rin naman sa nanakawin sa kaban ng bayan ay gaganda rin ang pamumuhay ng buong bansa.

Kabahagi rin ng national budget ang pagbabayad ng utang natin sa labas ng bansa na umaabot na sa P15.89 trillion na may kaaakibat na interest. Hindi talaga tayo makaaahon sa pangungutang kung mismong ang nangangasiwa ng pondo ang nagnanakaw.

Galit po sa magnanakaw ang kapwa magnanakaw. Tandaan natin ‘yan!

NATIONAL BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with