^

Punto Mo

Labor dispute, ­kailangan bang ­idaan sa barangay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang mamagitan ang barangay captain kung may labor dispute? May authority po ba ang barangay sa isyu na may kinalaman sa employer-employee relationship? — Den

Dear Den,

Bagama’t maraming kaso ang kailangang dumaan muna sa barangay, isa ang labor dispute sa mga kasong hindi na nangangailangan ng barangay conciliation.

Malinaw sa kaso ng Montoya vs. Escayo, et al. (171 SCRA 442) at sa Circular No. 14-93 na inisyu ng Korte Suprema noong Hulyo 15, 1993 na hindi kasama ang mga alitang ukol sa terms of employment sa mga kasong kailangang idaan sa barangay.

Kaya walang kapangyarihan ang barangay o alinman sa mga opisyales nito para mamagitan sa mga kasong may kinalaman sa labor.

Upang opisyal na maresolba ang anumang gusot sa pagitan ng employer at employee dahil sa kondisyon ng trabaho, kailangan itong dalhin sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Labor Relations Commission (NLRC) na nakasasakop sa lugar ng trabaho.

Mahalaga lang na linawin na kung ang isasampang kaso ay hindi naman tungkol sa terms of employment katulad ng mga personal na away sa pagitan ng empleyado at employer, kailangang idaan ito sa barangay conciliation kung sila ay naninirahan sa iisang barangay o sa dalawang magkatabing barangay.

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with