Lalaki na nabisita ang lahat ng bansa sa buong mundo, nakatanggap ng Guinness World Record!
ISANG lalaki sa United States ang nakapagtala ng world record dahil nabisita na niya ang lahat ng bansa sa buong mundo kasama na rito ang pinakamapanganib na mga bansa!
Kinumpirma ng Guinness World Record na si Indy Nelson ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Airlines Flown On”. Ito ay matapos siyang makasakay sa mahigit 170 unique airlines sa buong mundo.
Pagkatapos maka-graduate sa kolehiyo, kumuha ng loan na nagkakahalaga ng $80,000 si Indy para gamitin ito sa kanyang mga around the world travel. Ayon kay Indy, hindi naging madali na ma-achieve niya ang record na ito dahil naging challenge sa kanya ang pagbisita sa mga bansang may giyera at may mga conflict zones.
Kuwento pa nito, kung “cool” man tingnan na maraming tatak ng iba’t ibang bansa sa passport, minsan ay naging disadvantage rin ito dahil apat na beses na siyang pinaghinalaan ng immigration officers ng Iran, Libya, Papua New Guinea at Russia na isa siyang international spy sa dami ng kanyang mga napuntahang bansa.
Nang tinanong si Indy kung anong bansa ang pinakanagustuhan niya sa lahat, sinabi nito na Cambodia ang pinakapaborito niya dahil sa unique na kultura nito at mababait na mga tao.
- Latest