^

Punto Mo

EDITORYAL - Gahamang onion traders sampahan ng kaso

Pang-masa
EDITORYAL - Gahamang onion traders sampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Philippine Competition Commission (PCC) sa 12 traders at importers ng sibuyas bilang “cartel”. Sa wakas, may kumilos o lumaban din sa mga nagmamanipula ng sibuyas sa bansa. Kinokontrol ng mga ito ang presyo ng sibuyas dahilan para tumaas ang halaga nito. Hino-hoard din ng traders ang sibuyas kaya walang mabili ang consumers. Sa ginagawang ito, pinapatay ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas. Inaagawan ng kabuhayan.

Ayon sa PCC, nagsimulang pumasok ang traders sa “anti-competitive agreements” para sa suplay ng imported onions noong 2019. Nakipagsabwatan umano ang mga ito para makontrol ang presyo at limitahan ang kompetisyon na lubhang nakasasama sa mga konsyumer at higit sa lahat, sa ekonomiya ng bansa. Ito ang unang paghahain nila ng kaso laban sa cartel dahil sa paglabag sa Philippine Competition Act.

Ayon sa PCC ang anim na kompanyang kinasuhan nila ay ang Philippine Vieva Group of Companies Inc., Tian Long Corp., La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc., Yom Trading Corporation, Vieva Phils Inc., at Golden Shine International Freight Forwarders Corp. Samantala, ang anim na indibidwal na sinampahan nila ng reklamo ay sina Mark Castro Ocampo, Nancy Callanta Rosal, Lilia Cruz, Eric Pabilona, Renato Francisco Jr. at Letty Baculando.

Maganda ang ginawa ng PCC sa mga hidhid na onion traders. Nararapat na may masampolan sa kanila. Hindi naman maaasahan ang mga mambabatas sapagkat pawang banta lang sila na kakasuhan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas subalit walang nangyayari.

Ang pagsasampa ng kaso sa 12 onion traders ay babala na rin sa mga smugglers ng vegetable products na inaasahang magiging talamak ngayong “ber” months.

Noong nakaraang buwan, nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 300 tonelada ng smuggled na gulay nang salakayin ang dalawang bodega sa Navotas City. Ang isa sa mga bodega ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P21.2 milyon samantalang ang isa pang bodega ay may laman na 89.89 tonelada ng carrots na nagkakahalaga ng P13.48 milyon.

Ilang beses nang nagbabala si President Ferdinand Marcos na hahabulin at kakasuhan ang agricultural smugglers at hoarders. Subalit walang epekto ang babala sapagkat patuloy ang smuggling ng vegetable products. Walang kinatatakutan.

Matitigil lamang ang pagkagahaman ng mga onion traders at smugglers kung may masasampolan. Ang hakbang ng PCC ay karapat-dapat. Kasuhan sila at ikulong.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with