^

Punto Mo

Puwede bang bawasan ang suweldo para sa utang ng iba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May kasamahan ako sa trabaho na na­ngutang sa kompanya pero nag-resign habang hindi pa niya tapos mabayaran ang kanyang ni-loan. May nakapagsabi sa akin sa trabaho na sa sahod ko na raw ibabawas ang balanse ng utang dahil pumirma raw ako bilang co-maker. Tama po ba sila? —Tio

Dear Tio,

Pumirma ka ba talaga para maging co-maker ng katrabaho mo na nangutang sa inyong kompanya? Kung oo ay maaring bawasan ang iyong sahod kung iyon nga ang nakasaad doon sa pinirmahan mo para maging co-maker ng loan.

May karapatan ang empleyado na maging malaya sa paggastos ng kanilang kinita sa anumang paraan nila naisin at ang hindi awtorisadong pag-awas mula sa sahod ng empleyado ay isang paraan ng paglabag sa karapatang ito.

Sa ilalim ng Labor Code at ng Implementing Rules and Regulations nito, maari lamang kaltasan ang sahod ng empleyado sa mga pagkakataong pinapayagan ito ng batas katulad ng pagkaltas para sa insurance premiums o union dues na binayaran ng employer para sa kapakanan ng empleyado. Maari ring magkaltas ang employer kung may written authorization na pinirmahan ang empleyado kung saan malinaw na nakasaad ang halagang maaring kaltasin at kung para saan ito.

Kaya tingnan mo ang iyong pinirmahang dokumento bilang co-maker dahil doon nakadepende kung maari bang kaltasan ang iyong sahod para sa inutang ng iyong kasamahan sa trabaho. Puwede ka talagang makaltasan kung pumirma ka bilang co-maker at malinaw sa pinirmahan mo na pinapayagan mo ang kompanya n’yo na bawasin sa sahod mo ang balanse ng utang sakaling hindi makabayad ang iyong katrabaho.

Ngayon, kung pumirma ka bilang co-maker pero wala namang nakalagay sa pinirmahan mo na pinapayagan mo ang kompanya na kaltasan ang iyong sahod ay hindi maaring bawasan ang iyong suweldo. Malinaw ang batas; ang kailangan ay written authorization para bawasan ang sahod ng empleyado. Kung walang nakasulat na permiso mula sa empleyado ay hindi maaring galawin ang kanyang suweldo kahit siya ay isa pang co-maker. Maari siyang singilin para sa utang bilang isang co-maker pero hindi maaari ang automatic salary deduction kung wala namang written authorization para roon.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with