Bagong pakulo ng PNP vs droga, epektib kaya?
MAY bagong pakulo si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para tuldukan ang problema ng droga sa Pinas. Sana maging matagumpay na ito! Kasi nga mga kosa, ang halos lahat ng naging PNP chief ay may kanya-kanyang gimik para mapatigil na ang bentahan ng droga sa kalye o mabawasan man lang subalit may nagtagumpay ba?
Si Tatay Digong ang solution n’ya ay patayan kaya hayun hinahabol siya ng International Criminal Court (ICC). Eh di wow! Inamin naman ni Marbil na ang problema ng droga ay isang complex issue, na ikinumpara niya sa mythical Hydra, kung saan kapag tinagpas mo ang leeg nito, marami pa ang lulutang para palitan ito. Mismooooo!
Ipanalangin natin mga kosa na tumama naman ang programa ni Marbil para maiwas ang kabataan, ang future ng Pinas, sa pagiging adik at kasamaan. Ano pa nga ba?
Tinawag ni Marbil ang kanyang programa na “recalibrated approach” kung saan magiging priority nito ang “sources” at supply chains ng droga imbes na pagtiyagaan ang mga piyaet-piyaet na street level pushers at users. Tsk tsk tsk!
Magiging uso rito ang kinaugaliang “palit ulo,” di ba mga kosa? Sa “palit ulo” kasi, matutukoy lang ang sources at supply chains kapag maraming inarestong pushers at users na magtuturo sa mga ito. Mismooooo!
Subalit iginiit ni Marbil na ang estrahiya niya ay magiging mas epektibo at hindi madugo dahil pangangalagaan nito ang human rights ng mga Pinoy at tuldukan ang problema “at its very core.”
“Our previous strategies concentrated too much on cutting off the heads, but we need to target the body— the entire supply chain and the sources driving the drug trade,” ani Marbil. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi ni Marbil na ang programa ay isusulong nang pinaigting na intelligence operations at malakasang partisipasyon ng komunidad para kilalanin at buwagin ang drug trafficking networks.
“We are now focusing on high-value drug personalities and the movements of illegal drugs across the country. These are the real targets—those who orchestrate the trade and profit from it, not the street-level pushers and users, who are often victims of circumstance,” ani Marbil.
Matutuwa ang mga street level pushers at users nito dahil ligtas na sila sa kamatayan at hindi pa sila priority sa hulihan. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Ano pa nga ba?
Iginiit ni Marbil na ang makabagong approach ng kapulisan sa pakikibaka laban sa droga ay importante para maiwasan ang madugong kumprontasyon tuwing buy-bust operations. “We aim to address the drug problem without resorting to bloodshed. By focusing on the real culprits and protecting the victims, we can make our communities safer while respecting human rights,” dagdag pa niya.
Kung sabagay, naka-allign ang bagong estrahiya sa pananaw na ligtas at mas seguridad na Pinas ni President Bongbong Marcos na isang malaking hakbang para makamtan ang naturang pangarap. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
“With this approach, we are not only saving lives but also working toward a better future for our nation. We are committed to addressing the drug issue with compassion, strategy, and adherence to the rule of law,” pagtatapos ni Marbil. Sanamagan!
Sa panahon ni Tatay Digong, hindi nahinto ang problema ng droga kahit may patayan, dito kaya sa panahon ni BBM? Sa Pebrero ang kasagutan. Abangan!
- Latest