^

Punto Mo

‘That thing called karma’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BUONG P500 ang iniabot ko sa cashier. Ang nabili ko ay worth P250.00. Ang isinukli sa akin ay P750.00. Sobra ng P500 ang sukli. Ang akala ng cashier ay buong one thousand pesos ang aking ibinigay sa kanya. Isinauli ko ang sobrang sukli.

After one week biglang sumulpot ang isang taong may utang sa akin. Sa wakas, binayaran niya ang utang na napakatagal nang hindi nababayaran.

••••••

Minsan, nagdiwang ng kaarawan ang aking kakilala sa abroad kung saan siya naninirahan. Marami sa mga kaibigan niya ay cash ang iniregalo sa kanya. After one week, nabalitaan ng aking kakilala na namatay ang kapatid niyang nasa Pilipinas na mahirap ang buhay.

Ang kakilala kong ito ay walang hanapbuhay sa abroad. Sustentado lang siya ng kanyang anak. Kaya ang ipinadala niyang pera sa mga naulilang pamangkin ay perang natanggap niya noong kanyang birthday.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkamatay ng kapatid, naaprubahan na ang pension ng aking kakilala.

••••••

Kulang ng P 200.00 ang ibinayad ng kostumer sa tindahan ng motorcycle spare parts. “Napalusutan” ang termino ng mga magtatraysikel sa kanilang lugar.

Kinabukasan, hahantingin sana ng may-ari ng tindahan ang madayang kostumer sa terminal ng tricycle pero wala ito at hindi pumasada. Kaya raw pala hindi pumapasada ay nabangga ang traysikel nito at ipinare-repair. Gastos daw sa repair ay P5,000.

“Karma moves in two directions. If we act virtuously, the seed we plant will result in happiness. If we act non-virtuously, suffering results.” – Saying Lipham

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with