Mag-asawang Rosal, semplang sa 2022 elections spending!
Gumagana pa pala ang batas sa Pinas. Ang magandang halimbawa nito ay ang kautusan ng Commission on Audit kina dating Albay Gov. Noel Rosal at asawang si ex-Legaspi City Mayor Carmen Geraldine Rosal na isoli ang aabot sa P60 milyon na umano’y illegal disbursement na ginawa nila noong 2022.
Sa siyam na pahinang desisyon na ipinalabas ng COA noong Hulyo 31, kinampihan nito ang Notice of Disallowance na inisyu ng Regional Office Vl noong Setyembre 29, 2023 laban kay Rosal dahil sa disbursement ng P26.58 milyon bilang financial assistance sa tricycle drivers at senior citizens. ‘Yan ay kahit napaloob ito sa 45-day spending ban noong 2022 elections. Araguyyyyy!
Teka nga pala, nangyari ang kaso noong si Rosal ay mayor pa ng Legaspi City at tumatakbo bilang gobernador ng Albay. Nanalo si Rosal subalit sinuspende naman ng Commission on Elections dahil sa paglabag ng elections spending ban. Kinampihan ng COA ang Comelec sa pagsasabing ang pagwaldas ng pitsa ay paglabag ng Omnibus Election Code. Dipugaaaaa!
Inapela naman ni Rosal ang kanyang suspension sa Supreme Court subalit hanggang ngayon, wala pang desisyon dito. Malapit na kasi ang 2025 elections at baka sina Rosal at mahigpit na karibal na si ex-Gov. Al Francis Bichara ang maglalaban sa Albay. Mismooo! Wait lang mga kosa!
Kung sinuspende si Rosal ng Comelec sa paglabag ng election spending ban, ibig bang sabihin nito walang kalaban si Bichara sa pagka-gobernador noong 2022 elections? Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito! Mismooooo!
Ang masama lang, may nadamay pa sa kaso ni Rosal dahil hindi lang siya ang inutusang magbalik ng pitsa. Kasama sa kautusan ng COA sina city treasurer Carlita de Guzman, accountant Gloria Aringo, disbursing officers Vilma Pujol, Constance Oliveros at Imelda Mayor at special welfare and development officer Maria Marlene Manaya.
Nilinaw lang ng COA na ang ibabalik nilang pitsa ay ‘yung natanggap lang nila. Kasi nga naman hindi sila kasali sa decision-making process patungkol sa pagpalabas ng pitsa sa kasagsagan ng election spending ban. Paano kaya mababawi ang pitsang pinamudmod sa tricycle drivers at senior citizens? Ahhh! Aabonohan na lang ni Rosal. Ganun ba ‘yun mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Si Mrs. Rosal naman ay pumalit sa kanyang asawa bilang Legaspi City mayor. Inutusan din ng COA ang dating mayor na ibalik ang P38.1 milyon na pinamudmod niya bilang economic welfare assistance at karagdagang incentives para sa Legaspi City officials at empleado ng City Hall noong 2022. Ang daming pera ng Legaspi City, ‘no mga kosa?
Ang assistance ay katumbas ng suweldo sa isang buwan ng mga inayudahan samantalang ang incentive naman na tig-P30,000 ay para sa recipients across the board. Sanamagan! “Patent disregard for laws and administrative issuances/regulations amounts to gross negligence, which makes the erring public officials liable for the return of the amount disallowed,” ayon sa COA.
Maganda ang timing nitong COA desisyon sa kaso ng mag-asawang Rosal dahil papalapit na ang 2025 elections. Magsilbing aral sana ito sa mga pulitiko, na walang habas kung gumasta kahit may election spending ban, lalo na sa pagbili ng boto. Tiyak maraming pulitiko ang lumalabag sa Comelec spending ban kaya lang ang mag-asawang Rosal lang ang nasampolan. Bakit kaya? Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest