^

Punto Mo

Lalaki na kayang mag-push ups ng mahigit 1,000 beses sa loob ng 1 oras, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang attorney mula sa New York ang nakapagtala ng bagong world record dahil sa angking lakas nito na mag-chest to ground push ups sa loob ng isang oras.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang 31-anyos na si Alex Capogna ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Chest-To-Ground Push Ups in One Hour”. Ito ay matapos makapag-push ups si Capogna ng 1,246 beses.

Sa panayam kay Capogna, sinabi nito na dalawang taon siyang nag-training para maabot ang record niyang 1,246 push-ups. Matapos ang kanyang record attempt, hindi nakitaan ng pagkapagod si Capogna at agad itong nagsagawa ng isa pang record attempt para sa ibang push up record na kasalukuyan pa na-under review ng Guinness.

Ayon kay Capogna, wala siyang balak bitawan ang world record na ito at kaya niyang mahigitan agad kung sakaling may makatalo sa kasalukuyan niyang record.

vuukle comment

NEW YORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with