^

Punto Mo

Maid of Honor (206)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MASARAP maligo Kuya, halika na!’’ tawag ni Inah kay Rocky na nakaupo sa buhanginan.

“Babantayan na lang kita Inah.’’

“Sige bahala ka, Kuya.’’

“Huwag kang pupunta sa dako roon at baka malalim. Hindi pantay ang ilalim ng dagat. May baha­ging malalim.”

“Oo Kuya.’’

Habang naliligo si Inah ay tinatanaw siya ni Rocky. Hindi inaalis ni Rocky ang tingin kay Inah habang nasa hanggang baywang na tubig.

Napakaganda ni Inah! Natural na natural ang ganda!

Ngayon lamang lubusang napagmasdan ni Rocky si Inah. Maraming beses na rin niya itong nakasama lalo na noong kare-rescue lamang pero ngayon lang niya nakita ang ganda. Kakaiba talaga.

Pero sa pag-iisip niyang iyon ay biglang naalala ang namayapang asawa. Mahal na mahal niya ang asawa. Naisumpa niya na wala itong makakapalit sa puso niya. Nag-iisa ang asawa niya. Kahit hindi sila nagkaroon ng anak, mananatili ang walang hanggang pagmamahal niya sa yumaong asawa.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang magsalita si Inah. Umahon na pala ito sa dagat at lumapit sa kanya nang hindi niya namamalayan.

Napagmasdan niya nang malapitan ang magandang hubog ng katawan nito. Napakakinis. Napakaputi.

Nasulyapan din niya ang nunal nito malapit sa pusod.

“Kuya ang lalim yata ng iniisip mo?’’ tanong ni Inah.

“Ha?’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with