^

Punto Mo

EDITORYAL – Ginawang dekorasyon ng NTC ang RA 11934

Pang-masa
EDITORYAL � Ginawang dekorasyon ng NTC ang RA 11934

HINDI naipatupad ng National Telecommunications­ Commission (NTC) ang Republic Act 11934 (SIM Card Registration Act) kaya sinamantala ito ng mga illegal­ Chinese at ginamit sa mga krimen na ang front ay POGOs. Nakakita nang magandang pagka­kataon ang mga Chinese dahil sa pagpapabaya ng NTC na maipatupad­ ang batas.

Mabuti na lang at naging maigting ang pagsalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa illegal POGOs kaya nahinto ang modus. Malaking tulong din ang ginawa ni President Ferdinand­ Marcos Jr. na pagsuspinde sa POGO. Inihayag ni Marcos ang pagbabawal sa POGO sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22. Sinabi ng Presidente na dapat nang matigil ang masa­samang gawain na dinu­dulot ng POGO sa bansa. Inatasan niya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na sigu­ruhin na bago matapos ang 2024, wala nang POGOs sa bansa.

Mula nang ihayag ang pagbabawal sa POGOs, naba­wasan ang mga nagpapadala ng mga scam na text messages. Dati, maraming natatanggap na scam text messages ang subscribers. Kabi-kabila ang mga natatanggap na scam sa pamamagitan ng text.

Sa mga ginawang pagsalakay ng PAOCC sa mga POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, natambad ang maraming cell phones at gadgets na gina­gamit ng mga Chinese para makapang-scam. Parang may pabrika ng cell phones sa mga sinalakay na POGO hubs.

Pinakamarami ang nakumpiskang cell phones at SIM cards sa Porac. Nagpapatunay lamang na talamak ang mga nangyayaring online scam, investment scam at crypto currency scam gamit ang SIM cards. Nagsasagawa pa nang malawakang pagsalakay ang PAOCC sa mga hini­hinalang POGO hubs sa Pasay City, Parañaque City at sa Pampanga.

Ang pamamayagpag ng illegal POGOs sa malawakang panloloko gamit ang SIM cards ay nagpapatunay lamang na hindi naipatupad ng NTC ang RA 11934 na isinabatas noong Oktubre 10, 2022. Sa halip na mapigilan ang mga scam gamit ang telepono, lalo pang lumubha at maraming nalinlang. Sinamantala ng scammers ang kawalan ng “ngipin” ng NTC.

Pasalamatan ng NTC ang PAOCC at ganundin si Marcos dahil nabawasan ang mga texts scam dahil sa ginawa nilang aksyon laban sa salot na POGOs. Kung ang NTC lang ang aasahan ng mamamayan, alaws mangyayari at lala­ganap ang text at iba’t ibang scam gamit ang phone.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with