Lawyer ni Johnny Depp, abogado ni Robles vs Maharlika!
MAY tulog ang vlogger na si Claire Contreras alyas Maharlika sa kasong isinampa sa kanya ni PCSO General Manager Mel Robles. Malakas ang paniniwala ni Robles na mananalo siya sa kaso. Bakit? Kasi nga mga kosa, ang abogado ni Robles na si Camille Vasquez, ng B. Rudnick Law Office, ay lawyer din ng actor na si Johnny Depp.
“So I chose a very good lawyer who I think has specialized in this kind of case, reputation and brand management,” ani Robles. Para sa kaalaman n’yo mga kosa, naipanalo ni Vasquez ang kaso ni Depp laban sa aktres na si Amber Heard. Dahil dito, naniniwala si Robles na ganundin ang patutunguhan ng kanyang kaso vs Maharlika. Dipugaaa!
Nagsampa na si Vasquez ng kasong defamation, defamation per se at false light invasion privacy laban kay Makarlika sa sala ni Judge Consuelo Marshal, ng California Central District Court sa U.S. sa pagpapakalat ng fake news at malicious information kung saan iniligaw sa katotohanan ang mga Pinoy.
Ayon kay Robles, kapag sa judge lang ang kaso, maaring magdrama lang si Maharlika at mabigyan siya ng mababang kaparusahan. Subalit kapag pinairal ang jury system, abayyy madugo ang dating nito kay Maharlika, na magbabayad sa kanya ng danyos. Kapag hindi magkasya ang “liquid’ na pitsa n’ya, puwede ding mag-garnish ang iba n’yang ari-arian para makumpleto ang danyos n’ya. Araguyyyyy!
Dito sa kaso, mabibigyan naman ng karapatan si Maharlika na ilabas ang ebidensiya niya sa mga akusasyon vs Robles. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
“This is a quest for truth, and a quest for justice on my part,” ani Robles patungkol sa isinampa n’yang kaso. Mula Enero kasi, panay patutsada ni Maharlika sa kanyang YouTube channel ng akusasyon laban kay Robles, kasama na rito ang pagnanakaw ng pitsa ng mga Pinoy, contract killing at pagbigay ng tulong o ayuda sa mga terorista.
Dahil hindi pinapansin ni Robles ang walang kuwenta at walang katotohanan na akusasyon n’ya, abayyy idinamay pa ni Maharlika ang asawa at anak ng una kaya’t hayun, sumabog ang bulkan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Robles, nagbabakasyon sila ng pamilya niya sa U.S. noong Enero dahil X-mas break n’ya, nang magtatalak si Maharlika sa YouTube sabay sabing iniwan daw ng una ang pamilya niya para puntahan at ipapatay siya. Wala itong kinalaman sa trabaho niya. Sabi niya. “We’re human beings and we can only take so much. These assaults on our honor and reputations must stop,” ani Robles.
“Therefore, our course of action was to file appropriate charges against her. We have complete faith that a Court of Law will hand to her the punishment that she deserves and the process vindicate us and help us restore our tarnished name and honor,” ang dagdag pa ni PCSO GM. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
“Kasi kailagan, makita niya na hindi ho ito biro. Just because you can, you will,” ang giit ni Robles. “The traditional media, and they were empowered by the printing press. This is...Just because merong capability, ay gagawin na. Hindi ho, there are limits to everything we do,” ayon pa kay Robles. Si Vasquez ay inirekomenda ng kaibigan.
“She must be really good. It took a while before she took on my case, our case. I think she saw the merit ng kaso that’s why she took the case,” ang sabi pa ni Robles. Panay hamon ni Maharlika sa mga detractors n’ya na magsampa ng kaso laban sa kanya kaya’t pinatulan na ni Robles. Dipugaaaaa! Ano pa nga ba! Abangan!
- Latest