^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan, pagdami ng dengue cases

Pang-masa
EDITORYAL - Bantayan, pagdami ng dengue cases

SA tubig nabubuhay ang itlog ng mga lamok. Kahit sa tansan na may kaunting tubig ay nabubuhay ang mga lamok at mabilis dumami. Kung sa ­kaunting tubig ay nabubuhay ang lamok, paano pa kung sagana sa tubig dahil sa nangyaring baha sa Metro Manila noong Hulyo 24. Tiyak na darami ang kaso ng dengue sa mga lugar na binaha.

Dahil maraming tubig na naiwan ang baha, ito ang magiging breeding ground ng mga lamok nagdadala ng dengue. Ang Aedes Aegypti ang uri ng lamok na pinanggagalingan ng dengue. Madaling makilala ang lamok sapagkat mayroong guhit na puti sa katawan. Madaling dumami ang lamok na ito kaya ipinaaalala sa mamamayan ang paglilinis sa kapaligiran lalo na sa MM.

Linisin o itapon ang mga basyong bote, grapa, mga tapyas na gulong ng sasakyan, plorera at iba pang lalagyan na naistakan ng tubig. Alisin din ang mga damit na nakasampay sa madilim na kuwarto ng bahay. Linisin ang mga halaman sa paligid at ang mga hindi umaagos na kanal.

Ang mga bata ang karaniwang biktima ng dengue kaya nararapat na pagsuutin sila ng damit na may mahabang manggas at jogging pants para makaligtas sa kagat ng lamok. Pagsuutin din sila ng medyas. Ganito rin sana ang ipasuot sa mga bata habang nasa school. Karaniwang ang mga school na binaha ay maraming lamok.

Wala pa namang pagtaas ng dengue sa MM pero sa ilang probinsiya, may mga report na tumaas ang kaso ng dengue. Sa Cordillera, may naitala nang 9,387 kaso at 19 ang namatay mula Enero hanggang Hunyo, 2024. Ayon sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), mula Hulyo 21-27 may nadagdag na 728 na kaso.

Sa Negros Occidental, tumaas din ng 17.7 percent ang kaso ng dengue. Mayroon nang tatlong bata ang namatay, ayon sa report ng provincial health officer. Nagsasagawa na ng paglilinis ang lokal na pamahalaan sa mga posibleng pinamumugaran ng mga lamok.

Sa Ilocos Norte, nakapagtala ng 146 kaso ng dengue at dalawa ang namatay noong Hulyo 20. Pinaigting ng Ilocos Norte Provincial Health Office (PHO) ang kampanya laban sa dengue. Ipinatutupad nila ang 5S at namamahagi ng insecticides at larvicides sa mga residente upang gamitin sa mga lamok.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan, pagkakaroon ng rashes, at ang ihi ay kulay kape. Ipinapayo ng Department of Health (DOH) na kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas, kumunsulta agad sa doktor para maagapan ang dengue. Huwag ipagwalambahala ang mga sintomas.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with