^

Punto Mo

PCSO’s Robles, sinampolan si Maharlika sa U.S.!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

AYAW na sanang patulan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles na nakatuong mag­silbi ng taus-puso at may integridad sa mga Pinoy ang mga kritisismo pinupukol laban sa kanya. Mismoooo! Alam naman ni Robles na kapag nasa public service ka, natural lang ang mga kritisismo, ika nga niya “it comes with the territory”.

Katwiran kasi ni Robles, distraction lang sa trabaho itong mga kritisismo kaya’t naka-focus lang siya para paunlarin pa ang serbisyo publiko ng PCSO. Katunayan, noong nakaraang taon lang, umabot sa 300,000 Pinoy na may sakit ang nabiyayaan ng ayuda ng PCSO, ani Robles. Eh di wow!

Katunayan, sa liderato ni Robles umabot sa P93 bilyon ang kinita ng PCSO o 122 percent increase sa 2023, na nagbunga ng significant expansion ng charitable programs ng ahensiya. Dipugaaaaa! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya lang may hangganan din ang pasensiya ni Robles sa kanyang mga kritiko, lalo kay Claire Contreras alyas Maharlika na walang humpay na naging topic siya sa kanyang YouTube channel na Boldyak TV. “For reasons unknown to us, she continues to deliberately spread malicious lies against me while also calling me various names that were meant to deride, and denigrate my reputation,” ani Robles sa press briefing kahapon sa Quezon City.

Hindi pa kuntento sa kung anu-anong pagbansag sa kanya, walang humpay pang inakusahan siya ni  Maharlika na nagnakaw ng pera ng taumbayan, contract killing at ang pinakamalala ay pagtulong sa mga terorista. Araguyyy! Ano ba ‘yan? Ang sakit sa bangs nito!

Nagsawalang kibo lang si Robles noong una sa mga patutsada ni Maharlika laban sa kanya dahil alam niya na walang katotohanan at pawang kathang isip lang ang mga ito. Ang last straw ay nang isabit ni Maharlika sa kanyang “malicious and unfounded allegations’ ang kanyang asawa at maging ang menor de edad niyang anak.

“We are law-abiding citizens who did nothing to harm her in any way. It’s our right therefore to defend our names and reputations, especially my wife, who is a private citizen and has dedicated herself to raising our family and in supporting charitable causes,” ani Robles. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil naubos na ang kanyang pasensiya, nagsampa si Robles ng kasong defamation, defamation per se at invasion of privacy laban kay Maharlika, na tinawag n’yang “Fake news Queen,” sa Central District Court sa California, U.S.A. Ayon kay Robles, sa pagsampa n’ya na kaso laban kay  Maharlika, siya ay “guided by the virtues and lessons taught to him by his father on the importance of defending his honor and reputation.

“Ang sabi ng tatay ko, hindi na baleng mawala ang yaman, huwag lang ang ngalan,” ang giit ni Robles. Mahigit na isang taon na binubutata ni Contreras si Robles kaya’t hayun, hindi ito nagresulta ng maganda. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba  mga kosa?

Dating pro-Marcos blogger si Maharlika at kayo na mga kosa ang umarok ng dahilan kung bakit sobra na ang galit n’ya kay President Bongbong Marcos. Maging ang mga alipores ni BBM ay hindi sinasanto ni Maharlika. Katunayan, sandamakmak na libel cases na ang inabot niya sa kamay nina katotong Anthony “Ka Tunying” Taberna at fashion designer Puey Qui?ones. Tiyak hahaba pa ang pila. Eh di wow!

Ang kaso na isinampa ni Robles vs Maharlika ay magsisilbing test case dahil sa U.S. ito nai-file at hindi masasabing may halo itong pulitika. Kung ano man ang kahihinatnan nitong kaso, sinabi ni Robles na makikinabang din dito si Maharlika dahil matututo siya ng leksiyon sa batas. Ganun na nga! Abangan!

vuukle comment

MEL ROBLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with