^

Punto Mo

EDITORYAL - Naging evacuation centers na naman mga eskuwelahan!

Pang-masa
EDITORYAL - Naging evacuation centers na naman mga eskuwelahan!

Hindi nasunod ang pakiusap ng Department of Education (DepEd) sa local government units (LGUs) na huwag gawing evacuation centers ang mga eskuwelahan. Nakiusap noong nakaraang Abril ang DepEd na huwag gamitin ang mga eskuwelahan na evacuaton centers sapagkat naaapektuhan ang pagpasok ng mga estudyante. Hindi nangyari ang pakiusap sapagkat nang bumaha noong Hulyo 24  sa Metro Manila at mga karatig probinsiya, ang mga eskuwelahan na naman ang naging temporary shelter ng evacuees.

Taun-taon, nasa 20 bagyo ang nananalasa sa bansa bukod pa rito ang baha, lindol, at pagputok ng bulkan. At ang tanging pinagdadalhan sa evacuees ay ang mga eskuwelahan. Halos lahat ng mga apektadong residente ay sa eskuwelahan tumutuloy. Maraming evacuees ang nagkakasya sa mga eskuwelahan dahil malaki ang mga ito na ang karamihan pa ay hanggang limang palapag.

Grabe ang baha noong Hulyo 24 kaya maraming residente ang dinala sa mga eskuwelahan na nagsilbing evacuation centers. Ilang araw ding nanatili sa mga eskuwelahan ang evacuees.

Nang magbukas ang klase noong Hulyo 29, mara­ming eskuwelahan ang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase. Ilan sa dahilan kaya ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase ay dahil baha sa lugar, nasira kaya kaila­ngang i-repair at ginagamit na evacuation centers. Ayon sa DepEd, umabot sa 673 schools ang hindi nakapagsimula ng klase dahil sa mga nabanggit na kadahilanan.

Pero sa isang report, ang patuloy na pananatili ng evacuees ang malalim na dahilan kaya hindi nakapagsimula ang klase noong Lunes. Hindi naman maitaboy ang evacuees sapagkat karamihan sa mga ito ay may mga maliliit na bata at senior citizens.

Hindi maganda ang epekto sa patuloy na paggamit ng mga eskuwelahan bilang evacuation centers. A­pektado ang pag-aaral ng mga estudyante. Isa pang hindi maganda, nasisira ang mga school dahil sa kagagawan ng evacuees. Maraming nasasalaula at nasisira.

May mga evacuees na sinisira ang mga kuwarto ng school, pati mga silya blackboards. Sinusulatan ang pader at doon dumudumi. Halimbawa rito ay ang nangyari sa mga school sa Parañaque ilang taon na ang nakararaan na maraming nasirang gamit.

Huwag sa school dalhin ang evacuees sapagkat maaapektuhan ang pag-aaral ng mga esudyante. Magpagawa ng evacuation centers sa bawat barangay. Taun-taon tumatama ang mga bagyo at inililikas ang mga tao. Desenteng evacuation centers ang kailangan. Iprayoridad ito.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with