^

Punto Mo

‘Paruparo’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 4)

Maayos ang a­king trabaho bilang nurse sa pinakamalaking ospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Maraming Pilipinong nurses kaya hindi ako nakadama ng lungkot o homesickness. Nasabi ko sa sarili na sana ay kasama ko si Joan sa pagtatrabaho rito para lalo akong masaya. Pero iginagalang ko ang pasya niya na sa Pilipinas na lang magtrabaho para nababantayan ang inang sakitin. Mahal na mahal ni Joan ang kanyang inang si Tita Maring. Kapitbahay namin sila. Kaibigan din ng mama ko si Tita Maring.

Nang magtagal na ako sa Riyadh, isa sa aking napansin ay wala akong makitang paruparo. Maski nang mag-outing kami sa Diriyah, wala akong nakitang lilipad-lipad na paruparo sa mga halaman at bulaklak. Nagtataka talaga ako.

Naisip ko, baka nga kaya dahil mainit ang klima sa Riyadh at pawang disyerto ang makikita.

Nang tumawag ako kay Joan para makipagkumustahan, nabanggit ko sa kanya iyon.

“Imposible naman na walang paruparo diyan!’’ sabi ni Joan.

“Wala nga!’’

“Bakit?’’

“Ewan ko!’’

“Sige magpapadala ako riyan ng paruparo—itim!’’

“Loka ka talaga!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SAUDI ARABIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with