^

Punto Mo

‘Salamin’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

DATI akong OFW sa Riyadh, Saudi Arabia­. Nagtrabaho ako ng 30 taon sa isang sangay ng gobyerno ng Saudi bilang documentation specialist. Katamtaman lang ang sahod ko. Libre ang tirahan at pagkain at taun-taon ay may dagdag sa suweldo. Libre ang pamasahe kung magbabakasyon.

Tuwing Biyernes na wala kaming pasok ay ang pag­lalakad ang aking ehersisyo. Masarap maglakad kung umaga na pumuputok ang araw. Dati ay lima kaming nag­lalakad pero nang tumagal, unti-unti nang nabawasan. May dahilan kaya ayaw nang sumama. Maglalaba raw, gagawa ng sulat sa asawa sa Pinas at mayroon daw lakad.

Hanggang sa ako na lamang ang naiwang naglalakad tuwing Biyernes. Aalis ako ng alas sais ng umaga at bago mag-alas otso ay pauwi na ako. Tumatagaktak ang aking pawis. Masarap sa paki­ramdam.

Ganun ang aking ginagawa tuwing Biyernes at ni minsan ay hindi ako pumalya. Nadagdagan pa ang kilometrong nilalakad ako.

Hanggang sa mangyari ang hindi ko malilimutang kara­nasan. Umaga noon at naglalakad ako. Bigla may nakita akong salamin sa mata sa dinadaanan.

(Itutuloy)

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with