^

Punto Mo

EDITORYAL- ‘Nakakikilabot’ na gentleman’s agreement

Pang-masa
EDITORYAL- �Nakakikilabot� na gentleman�s agreement

Nakakikilabot. Iyan ang sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. sa gentleman’s agreement na pinasok ni dating President Rodrigo Duterte sa China na may kaugnayan sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Sabi ni Marcos mahirap sundan ang ganyang klaseng kasunduan. Hindi raw niya alam kung ano ang pinag-usapan at pinagkasunduan ng China at ng Duterte administration. Hindi rin niya alam kung opisyal ang kasunduan o personal lamang nila. Wala umanong record ang gobyerno sa pinasok na gentleman’s agreement.

Nakakakilabot talaga ang pinasok na kasunduan ni dating President Duterte kay Xi Jinping. Maaaring sabihin na pagtraidor ito sa bansa. Sinubo sa isang kasunduan na ang Pilipinas ang magiging kawawa sa sariling teritoryo.

Pero sinabi ni Duterte sa isang press conference noong Huwebes na wala siyang isinusukong teritoryo ng Pilipinas sa China. Inamin naman niya na puma­yag siyang hindi kukumpunihin ang Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Nakipagkamay lamang daw umano siya kay Xi Jinping.

May kasunduan nga sila ukol sa Sierra Madre kaya sobrang agresibo ng China sa WPS. Kaya malakas ang loob ng China na bombahin ng tubig at banggain ang mga barko ng Pilipinas ay dahil sa kasunduan kay Duterte. Pinanghahawakan ng China ang kasunduang iyon.

Hindi lamang ang Philippine Coast Guard ang nakakaranas nang pangha-harass kundi pati mga mangingisda. Maraming beses nang itinaboy ang mga mangingisda sa Scarborough Shoal. Pati Pinoy researchers ay hina-harass din ng China.

Nabulgar ang gentleman’s agreement dahil kay dating presidential spokesperson Harry Roque. Ayon kay Roque, nakalatag sa kasunduan na tanging mga pagkain at tubig lang ang dadalhin ng Pilipinas sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Walang materyales na kasama para kumpunihin ang lumang barko.

Kaya raw nagrereklamo ang China ay dahil nagdadala ng repair equipment ang mga barko ng Pilipinas para ayusin ang Sierra Madre. Kaya raw ganyan ang kaagresibo ang kilos ng China. Sabi pa ni Roque, maaaring mas maging agresibo ang China kapag ipinagpatuloy ang pagdadala ng materyales para kumpunihin ang Sierra Madre. Nilinaw ni Roque na hindi sikreto ang kasunduan ni Duterte at Xi Jinping.

Sana noon pa binulgar ang kasunduan ni Duterte at XI para nakagawa na ng hakbang ang pamahalaan. Dahil diyan, maaaring hindi na bitawan ng China ang pag-angkin sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas. Lalo pa silang magiging agresibo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with